Written by maxterspade12ph at 06:02 AM. Filed under Trabaho.
Nagpalit na naman kami ng schedule. Ang tawag sa pagpapalit namin ng schedule ay shift bid. Mas maganda ang schedule asherance mo, mas mataas ang priority mo sa pagbibid.
Ang problema, oo nga at 99.26% ang aking schedule adherence, yung iba lang na katrabaho ko, 99.34% pataas. Sa kabuuan, pang-anim pa rin ako.
Ang napunta sa aking oras ay 3am hanggang 12nn.
Naaalala ko pa dati nung unang-una kong schedule sa trabaho. Ganitong-ganito rin. Sa Taft Ave. pa ako umuuwi nun. Gumigising ako ng 2am at nagpi-prepare ng kalahating oras, at naglalakbay ng kalahating oras din. Inoorasan ko nga noon kung kaya kong umabot sa opisina sa loob ng maiksing oras lang. 8 minutes lang sa pangkalahatan ang kailangan mula pagbangon ko hanggang pagdating sa aking station sa trabaho.
E ngayon, hindi na ako sa Taft Ave. nakatira. Hindi na kasi ako aspirant for the De La Salle Brothers. Dito na ako ngayon sa Sta.Mesa, so kahit na medyo kabisado ko ang 3am schedule, nangangapa naman ako sa oras ng biyahe at sa kung gaano ka delikado ang mga kalsada.
Kanina nga, sobrang onti ng mga bus na dumaraan sa EDSA. Mga kalahating oras ako sa Boni, hindi pa rin ako nakakasakay. Bukas, susubukan ko na sa Crossing dumaan. Siguro naman mas maganda mag-abang ng sasakyan dun.
Ngayon ko nararamdaman na nakakamiss din pala talaga ang tumira sa Taft Ave. Yung pagiging convenient nun para sa akin at sa proximity sa trabaho, yun ang pinaka namimiss ko.
Pero iba na ngayon, pinili ko na na hindi tumuloy sa pagiging De La Salle Brother. Hindi para sa akin ang buhay na ganun. Ibang landas na ang tinatahak ko ngayon and this time, paninindigan ko na ito.
Written by maxterspade12ph at 12:46 AM. Filed under Si Hon, Personal Development.
Salamat Hon.
Hindi na ako promking na walang sariling suit. salamat sa isang set na Tuxedo.
Maligayang Pasko sa iyo Hon
Written by maxterspade12ph at 08:01 AM.
December 24 na.. isang tulog na pasko na ulit.. ambilis ng panahon noh? magbibirthday na naman si bro.
Napakagandang regalo ang ibinigay sa atin ni bro. kahit na siya ang may birthday, naging sobrang espesyal para sa atin ng araw na ito. lahat tayo pwedeng mag expect ng regalo.. kaya nga ako, kahit na matanda na ako, sumusulat pa rin ako sa isang saint ni bro na si st. nicholas, aka sta. clause. wala naman kasing mawawala kung humiling ka, kahit alam mong hindi na rin ito makakarating.
Nakakainis nga, hindi ko nakumpleto yung simbang gabi. na-miss ko yung Day5 at 6. Pero kahit na ganun, hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa. pumunta pa rin ako nung day 7 at tinapos ko pa rin hanggang huling misa.. hindi naman ko naman kasi ugali yung kapag nagkamali ako e hindi ko na itutuloy ang pagsabak sa laban.. syempre, hindi pwedeng sa bawat laban e flawless victory.. pwede ka rin naman magkamali.
More or less, handa na ako para sa Pasko. hindi man financially, pero mentally at spiritually, handa na ako.
Written by maxterspade12ph at 07:26 PM. Filed under Si Hon.
Sa wakas, napilit ko rin maisama si pinkmaldita sa National Museum. Everytime na sumasakay kami ng LRT, sinasabi ko sa kanya na gusto ko siya dalhin doon. Naisip ko kasi na since never pa siya nakapunta doon, kahit na sa ayaw niya o sa hindi, magandang experience pa rin yung makapasok siya sa National Museum.
Kung pupunta ka doon sa National Museum, ang tip ko sayo, mag taxi ka na lang. Nainis kasi si pinkmaldita dahil nag dress pa daw siya e jeep lang pala ang sasakyan namin. Halos tanghaling tapat na rin naman yun kaya sobrang init. Bumaba kami sa Philippine Normal University, tumawid ng Taf Avenue at nagpunta doon sa lumang Museum na ang laman ay puro mga banga from the wrecks of San Diego.
Sabi ni pinkmaldita, meron din daw silang mga banga at kanyon sa Ozamiz. Pareho lang daw yung itsura. Andami niya rin tanong na pilit kong sinasagot. Tutal nakasulat naman dun yung mga facts about the relics. binabasa ko lang din.
Then, nagpunta na kami dun sa Gallery kung saan puro paintings naman. Ang pinaka attraction doon e yung Spoliairum ni Juan Luna. Maganda talaga ang pagkakaguhit niya doon.
Sabi naman ni pinkmaldita, nag enjoy naman siya sa mini field trip namin. After nun, nagpunta nag shopping na kami.
At least, pag nagkaroon ng kwentuhan tungkol sa field trip sa ganun na lugar, may makikwento na siya.
Written by maxterspade12ph at 11:41 PM. Filed under Negosyo.
Noong nag-aaral pa ako sa College, natutunan ko sa aking klase na Finance ang mga katagang "calculated risk". In simple terms, ito yung pagsusugal at pagpusta sa llamado. Yung pagsabak sa giyera na may malaking chance na manalo ka.
Kung iisipin mo, lahat ng ginagawa natin ay sugal. Yun pagtawid mo sa kalsada, kung kakain ka ba o matutulog na lang, yun desisyon kung papasok ka ba sa skul o maglalaro ka na lang ng dota, pati yung pagsisimula ng negosyo, lahat yan sugal sa buhay.
Maka ilang beses na rin ako sumugal sa buhay ko. kadalasan, talo. yun nga ang sabi sa statistics, 9 out of 10 businesses ay nagsasara, totoo yun. Pero that does not stop you on trying. e pano kung eto na yung 10% na chance mo para mag succeed, dapat hindi mo palampasin.
Merong panahon sa buhay ko na kinailangan ko ng pera, syempre nangutang ako sa mga kakilala ko. hindi ko nga alam kung natatandaan pa nila na may utang ako sa kanila. Ginamit ko yung pera na yun pansugal. Ang problema, hindi ko ginamitan ng computation for calculated risk. hindi ko pa kasi natutunan yun nun panahon na yun. nun pinag-aralan ko yun endeavor, lumalabas na 1out of 89,785,745,416 ang chance ko na mag succeed. huli na ang lahat nung nalaman ko yun. at hanggang ngayon, hindi ko pa rin sila nababayaran.