Entries for August, 2005
August 2nd, 2005
In sickness and in health
Posted by maxterspade12ph at 10:53 AM on August 2, 2005.
hehe, last night, umuulan. kakatapos ko lang magserve sa misa nun nakita ko si clifford, minumura niya ako dahil nasakin libro at notebook niya ng crithin. tapos, nandun pa attendance ng relsfor niya. kapag hindi ko siguro binigay yun, walang kwenta ang pagpunta niya sa kulungan.
kumain ang grupo sa mcdo, namamatay ang ilaw na parang christmas lights. patay-sindi. pinahupa namin ang ulan, at saka ako umalis na hindi na nagpaalam sa lahat. pupunta pa sila kila gerald at manonood ng chick flick e. hindi ko alam ang title ng papanoorin nila. kabadingan siguro.
nagpunta ako sa bahay ng isang kaibigan, ihahatid ko siya sumwer. kailangan niyang pumunta dun kahit na may sakit siya. kwentuhan kami sa jeep at may mga dull moments, kasi pinipili namin ang aming mga sasabihin, ayaw namin ng away e. tapos, hug ko siya sa bus papunta sa aming destinasyon. hindi na ako bumaba ng bus dahil didiretso na ako pauwi. kinaumagahan, wala na siyang sipon. at ngayon, ako naman ang masama ang pakiramdam; inuubo, masakit ang lalamunan, at medyo matamlay.
higit pa man sa lahat, masaya ako dahil nakapagkwento ako sa kanya. masaya ako at nakasama ko siya kahit sandali. masaya ako kahit na may sakit ako, tutal okay na siya.
Currently feeling: sore
August 5th, 2005
Good as new
Posted by maxterspade12ph at 01:18 AM on August 5, 2005.
I was a cuple of days absent for school, thanks fo the rain and the
acid that comes with it. Salamat din sa mga nanghawa sa akin, kilala
niyo na kung sino kayo. deadly pala talaga ang virus ng dalawang
magkaibang lahi pag pinagsama.
i would like to thank the people who made me live despite of my 39 degrees of sickness:
kila ate cena at ate weng na nagluluto, naglalaba, namamalantsa sa bahay.
kay nanay na parating nag-aalala, sobrang lakas ng dasal niya.
sa kuya ko na nang-iinggit dahil pwede siya pumasok sa skul at maglaro ng computer.
sa kapitbahay na nagtatanong ng celnumber ko
sa txtmates na nangungumusta.
kay ange na kahit may sakit ako, pinipilit pa rin ako maki-party sa hindi ko kilala, tama ba yun?
kay wendy na once a day lang magtext, napapangiti ako kahit hindi ko nirereplyan. dunno what to say e.
sa mommy ko na nagpunta pa ng sta.mesa dahil may sakit daw ako.
sa mga gumawa ng neozep, biogesic, tempra, tang, TJ hotdog, C2 at marami pang produkto.
at
kay Lord, sa pagbibigay niya ng Bro. Armin na sinisipon din sa opisina
niya. Kay bro president ang ultimate fault. siya ang last line na
nanghawa sa akin. Naisahan pa ako nun! sinermunan na ako, hinawaan pa
ako!
Currently feeling: nauseated
August 7th, 2005
UTI
Posted by maxterspade12ph at 01:30 PM on August 7, 2005.
ano daw? Urinary Tract Infection? tama ba spelling nun?
kagabi,
galing ako sa ospital. buti may doctor sa ospital kahit ganung oras na
ng gabi. hindi ako kasing malas ni Dr. Chua ng marketing department.
ayun, blood test, urine test, tsaka X-ray. andami pinagawa sakin. sa
urine test lang ata ako positive ang grade e.
andami ko tuloy
gamot na iniinom. kakaiba pa ang tawag, tunog player ng FEU tsaka UE
ang mga pangalan ng gamot ko. siguro, pag kapangalan na ni zinsser o
kaya ni xyla ang iniinom ko, mamamatay na siguro ako.
so, get well soon mode ako. i have lots of shivers and chills. sana makalusot ako sa term na to.
Currently feeling: lethargic
August 9th, 2005
blur
Posted by maxterspade12ph at 07:14 AM on August 9, 2005.
consequence of me being sick, naghahabol ako ngayon. nakakastress
siya lalo na nun pag pasok mo, quiz kaagad, e samantalang wala ka nung
discussion at yung mga topic na yun ang itatanong sa quiz. anak naman
ng!
Wala ako motivation mag-aral ngayon. as in wala. i was
thinking about this when i was still in bed this morning. blurred kasi
ang future ko at hindi ko makita ang purpose ng pag-aaral para sa
blurred future na iyon. kapag may mafocus lang akong kahit isang detail
sa aking blurred future, baka bumalik pa ang aking interest sa pag-aaral
convergys
is calling us up. one by one! si dunhill, tinawagan na. They are
inviting him to be a part of their team. tapos ako rin while in class.
ano kaya? kakagat kaya ako? i have never been a no-sayer. yes lang ako
ng yes. i think this would be a good opening. let me just finish
something and i will rethink about it. pero positive ako sa opportunity.
Nakaka-adik magmahal. isa akong kampeon ng pag-ibig. (sige tawa clifford)
Currently feeling: indescribable
August 11th, 2005
Nakakahawa ang katamaran
Posted by maxterspade12ph at 07:33 AM on August 11, 2005.
ngayon lang ako ulit naligo nang hindi nag-iinit ng tubig. mas may
excercise ako pag shower kasi, iniilagan ko yung patak ng tubig, awa ng
diyos, hindi pa rin ako nagtagumpay at nabasa pa rin ako.
i call
this day to be my come back. gagawin ko ang lahat ng dapat gawin sa
araw na ito. pag nagawa ko ng tama, sunud-sunod na dapat siya for the
next two weeks hanggang sa bakasyon. malapit na yun. palapit na rin ang
mga problema. bago sila makalapit, dapat makapaghanda na ako ng sarili.
ibalik ang hakuna matata mode tsaka smile and bahala na. ganun lang ang
kailangan ko.
may date ako sa sunday, excited na ako. ibo-blog ko yung date na yun, antayin nyo lang.
o
sige, bihis na. dapat eight yung meeting ko kaso 730 na nasa bahay pa
rin ako. bahala na. kakabasa ko lang nun txt nila e. dapat 1pm pero
sige na nga, umaga na lang.
Currently feeling: nagpipilit
August 14th, 2005
Last Week of the term
Posted by maxterspade12ph at 07:24 AM on August 14, 2005.
Huling Linggo na po ng first term sa sy2005-06. tapos nito, exams
na. as expected, andaming kailangan tapusin, yung iba nga, di pa
nasisimulan.
Matatapos na rin kami sa wakas sa consumer behavior.
isang parang defense na lang tapos ok na. sa markeve, isang event na
lang sa friday, ako pa naman naatasan sa media (real time videos and
sounds daw). mahirap yun, di ko nga alam kung pano mapagana yung real
time e.
quatech ay ok naman, kahit 1 week akong hindi pumasok,
66% ang grade ko, not bad. econtri, hindi ko maisingit sa sked ko.
titignan ko pa.
legalen, naku! parusa, katatapos ko lang mag
record ng constitution, kailangan na gumawa ng reviewer. bukod pa don,
may legal notebook pa ata. bwisit. engltri, panel discussion na lang,
ok na. wala naman siguro final exam doon noh?
so ayan, per
subject andami gagawin. syempre may extra curriculars pa, buti tapos na
ako sa alumni. tama si bro arm, planning lang. kaso hindi ko ma-enjoy
pag naka plano ang lahat e.
so ayan, may pupuntahan pa pala akong lunch party at isang dinner date. pano kaya to?
Currently feeling: indifferent
August 15th, 2005
A Promise
Posted by maxterspade12ph at 04:41 AM on August 15, 2005.
There would be no other way of motivating me than a promise. A
promise that I would do all I can for something to happen. A promise
that is being monitored by someone I hold very dearly and I see as
someone very important. A promise made out of nowhere. A promise
engraved into several stones and tree barks.
To that someone
who I would be keeping my promise with, remember that it would
not require anything from you, just making sure that the promise still
is intact. The promise expects a lot from me, and I believe it just
wants you to support me so that I can keep it. You know how important
you are to me that breaking this promise would mean breaking our ties,
and no, not me, I would not allow that to happen.
I thank you for
being the one. For being the person to see to it that this one would
all be fulfilled. I thank you for being there for me even if the
dimness and the blur makes even the slightest detail unclear. Thanks
for allowing yourself to be my guardian angel.
Currently feeling: slightly motivated
August 16th, 2005
Salamat
Posted by maxterspade12ph at 02:01 AM on August 16, 2005.
salamat kina emy, ge, at paula sa markcu. I would also grab this
opportunity to say sorry to them kasi marami akong pagkukulang. at
silang tatlo ang pumupuno nun. inaamin ko, mas magagaling sila sa akin,
pero hindi iyon naging hadlang, hindi nila ako minaliit at kahit
barkada na sila, pilit pa rin nila akong sinasama sa kanilang grupo
pagdating sa markcu. talagang marami akong natutunan sa kanila, salamat
talaga.
salamat kina louie, wilson, jowena, joan, dominique at kiel. grabe,
ang ganda ng report natin. sobrang nakuha natin ang audience. sobrang
saya ko at kayo ang naging groupmates ko. agbunga ang ating aristo days
and nights. nagbunga ang ating pictures for love. i am looking forward
na makatrabaho ko ulit ang kahit isa man lang sa inyo. maraming
maraming salamat po.
kim ching! salamat, ginagawa mo yung mas malaking part at natututo
ako sa iyo. maraming salamat at hindi nauubos ang pasensya mo sa akin.
partners lang tayo, duo. wala na tayong aasahan pa kundi ang isa' isa.
kaya natin to. papasa tayo... sana. pero kahit anong mangyari, maraming
salamat sa iyo.
mga groupmates ko sa legalen; alonte, almeda, aquino, bacani, chua,
clemente, concepcion, crudo, at wan li hindi ako nakapagpasalamat sa
inyo.
maganda yung naging report natin, tayo lang ang walang problema sa
audio. kahit nakulangan tayo ng isang topic na hindi na-tackle, ok lang
yun. masaya ang naging experience. tiyagain na lang natin ang legalen.
syempre pa, markeve. edjo, uno, ian, tres marias, stef, at kate.
salamat sa pag-ampon. promise, magiging maganda ang event natin, ngayon
pa lang nagpapasalamat na ako sa inyo, lalo na nun nagkasakit ako ng
isang linggo. alam ko kahit may report tayo dapat nun, at wala ako
ginawa, sinalo pa rin ninyo ako.. salamat talaga.
at sa mga nakatulong sa akin sa term na ito, alam ninyo kung sinu-sino kayo. salamat. maraming salamat
Currently feeling: thankful
August 17th, 2005
usap tayo
Posted by maxterspade12ph at 07:24 AM on August 17, 2005.
may mga bagay na hindi pwedeng ikimkim lang. napatunayan ko ito
kahapon. kinausap ko si kuya andy dahil sobrang hindi ko alam ang lagay
ko. alam ko depressed ako pero yung source na pinipin point ko, hindi
ko malagyan ng solusyon. naghahanap ako ng karamay pero wala. ang hirap
ng feeling mo mag-isa ka lang. pero buti nandyan si kuya andy, nakinig,
nag suggest, nagpilit na makita kung ano ang solusyon, at sa awa ng
Diyos, nakatulong.
kinagabihan, eto pa rin ako, nag-iisip,
nagtatanong, nagtataka, kailangan ko makabenta ng tickets at the same
time, kailangan ko ng may makausap. buti nandiyan si tin. tinawagan ko
siya. inimbita at sinabihan ng problema. sabi niya, obrang daming
kwento ngayong panahon na ito. halos lahat daw ng kakilala niya, may
sari-sariling kwento. pabigat ng pabigat. nakita ko na hindi ako
nag-iisa, pero bat wala pa rin akong karamay?
August 19th, 2005
Tang Ina
Posted by maxterspade12ph at 07:50 AM on August 19, 2005.
grabe, napapamura ako sa nagawa ni andylyn. simple lang pero i can
say i am back onn track. excited na ulit ako. hyped up. simple things
lang pala kailangan ko. hindi ko na-solve yung problema, pero sa tingin
ko, hindi siya kailangan ma-solve ngayon. let tomorrow take care of
itself, worries about the present is to much. look at the birds of the
sky and the fishes of the see, aren't they lucky enough thatGod gave
them food to eat and shelter to go home with. What more YOU! You are
created in His image and likeness.. (not even brother Eli Soriano can
connect person to person with that, hehehe)
Happiness pare, is
from the outside to the inside, and back out again. so, para maging
masaya ka, hindi lahat dapat nasa ayos. ok lang na magulo. basta
masaya. Draw out happiness from other persons. Yun lang.
Hehe, palpak yung date ko with special someone nung sunday. galing
ako bulacan and pagod ako. tapos yun, i was all over the place.
nagkakalat ako. kaya sa ka-date ko, sorry talaga. won't ask for another
date na ganun.
markeve magic show na mamaya.. kaso di ko alam
kung san kukuha ng sounds. pano kaya yun? nakakainis na. God will make
a way, sana lang hindi siya masyadong bilib sa akin. wakokoko
no
call center for me in the next term. nabuo ang decision ko dahil sa
maraming factors. salamat sa comments and suggestions kahit si Peps,
naniniwala na kaya ko, alam mo Peps, di ako nainiwala sa iyo. hehehe.
alam mo nung nagtanong ako sayo na "tingin mo kaya ko?" nasa isip ko na
sana sagot mo, "hindi mo kaya" hehehe.. pero at least, alam ko istorya
mo. pag may nagtanong kung sino ka, hindi lang howe ni atsi ang
maisasagot ko.
so ayan, back on track na talaga, all well, salamt sa suporta, suhestyon at higit sa lahat, sa pangako.
Currently listening to: staying alive - michael jackson
Currently watching: jojo a. all the way
Currently feeling: truly rejuvenated
August 21st, 2005
Pressure Sunday
Posted by maxterspade12ph at 09:45 AM on August 21, 2005.
The Sunday of high press finally is here. Tomorow, I will be sitting
in for Quatech finals. On Tuesday, Legalen would be my archrival. And
on Wednesday, Econtri, the most dreaded and feared one, will eat me
whole. I should be ready by then. But before that would happen, let me
remember happiness first.
Last night, I was in the brothers'
community for our mothly planning. The sense of community was there. I
was happy in the sense that there is brotherhood wherein everyon's
equal, even if we know that they are already graduates, they till can
relate to us. If the world would only be like that, then it would be a
happy one. (I had a headache then)
Clifford was inviting us for a
slumber party. No one can go except Pong, cause he doesn't have any
class of some sort. It is exam week, Clifford should ought to know.
anyway, let him schedule another. Am sure we will be available by then.
Markeve
was a blast. It did go as planned but It didn't ended because the host
was shocked for the birthday blast he did not expect. I love the
experience. If my employer would ask, "Have you done events?" Now I can
say, "YES!"
So that would be it. There are minor things
like some one so special got herself an alumni card and our clan is
growing. I am co-founder. Didn't get into family parties cause I am
busy and thanks for Tita Nena's transportation. That would be it.
Theree is more to come, and that would be the dreaded one. eat and be
filled, for tomorrow you will die.
Currently feeling: anticipating
August 26th, 2005
Glory of Love
Posted by maxterspade12ph at 01:06 AM on August 26, 2005.
you must congratulate us. we scored 100 in videoke for the song
glory of love. sayang wala yung ibang belairboys to share the victory.
officialy, glory of love na ang theme song ng kampeon ng pag-ibig. and
it really tells the story behind our continuous quest for love to be
ever victorious.
kanina, was in warzone playing dota, and since
love moves me more than anything else in this world, i decided to quit
the just started game and run to gox building (kahit na umuulan) to
fetch someone and accompany her some place. After my impromptu
decision, i wore a smile up until now. and i expect myself carrying
that smile in the next dozens of hours. and nothing special really
happened, but for me the experience shared would be there, always.
the
clan? we are doing well. puro karir, pero sorry, ayaw ko ng karir karir
e. I hold the keys to our yahoogroups and friendster account. so far,
one week na kami at dumadami kami.
school was bad, tagilid
ako sa econtri, tapos feeling ko, babagsak pa ako sa quatech dahil sa
simplex na hindi ko alam gawin. tapos, hindi ko pa napasa yung markeve
dahil akal namin, mamaya deadline, kanina pala. so minus points yun.
sana mag adjust sila ng malaki para puasa ako, uno lang masaya na ako.
uno lang. makapasok lang ako sa langit, kahit hindi ako maging santo,
masaya na ako nun.
nakakanuod na kami ng tv sa computer. tapos,
pwede pa kami mag transfer from tv or video cam to cd. didiskubrihin pa
ni kudo yung iba pang pasikot sikot. more or less, ok na.
so
ngayon ang pagpost sa tabulas ay update kung ano ang nangyari na, hindi
kung ano ang mangyayari pa lang. masaya ako at may tabulas para makita
ng ibang mga tao na nagmamahal kung ano na meron sa isang taong
minamahal. i love you too.
Currently watching: madtv - jack
Currently feeling: super happy
August 28th, 2005
First meeting ng exclusive
Posted by maxterspade12ph at 07:03 PM on August 28, 2005.
last night, nagkaron kami ng meeting sa shang. since first clan ko
ang exclsuive, i was so excited to be part of it, at may dala pa akong
vidcam na bawal naman kuhanan ng video ang mga tao sa shang. shang pala
is the official tambayan of clans, fraternities and the likes. so i
finally felt another kind of atmosphere, and it suits me, unlike some
ambiance sa may recto na feeling ko, mapapaaway ako.
the meeting
turned out great. may clarifications at maraming napag-usapan. mula sa
grand eb hangang sa tshirt design. ang saya.
the morning
after that, nag apostolate work ako sa greenhills, then derecho sa san
pedro, more or less nagagawa ko ang mga kailangan ko gawin kahit walang
pera. clans know how to work those things out, not unlike KNP na todo
gastos. sana lang mabuhay ako enough sa darating na course card at term
break.
i am so happy of being part of exclusive. so so happy.
Currently listening to: eraserheads - huling el bimbo
Currently watching: spongebob square pants
Currently feeling: super excited