10.05am 1.30pm 3.30pm

We do not stop playing games because we get old. We get old because we stop playing games.

Kampeon Ng Pag-ibig

promking

Pardon shall only be granted to those who repent, truly, in their hearts.

WARNING: Those who seek shall find.. If you do not want to find something, please lang... DO NOT DARE TO SEEK...


your name:

url:

your message:



Communities

Categories

My Links:









SPONGE COLA lyrics



Triplejack Poker

Entries for September, 2005

September 6th, 2005

kicked out of clan

Posted by maxterspade12ph at 01:12 AM on September 6, 2005.

wow ha, sinipa kaming dalawang lasalista dahil sa accusation na sinisiraan namin ang foundrez. yan tuloy, andaming nag quit sa clan. at ngayon, bumaba ang incoming txt mesejes per day ko.. huhuhu

anyway, ok ang KNP.. pag ginamit namin ang pangalan na yun, hindi kami natatalo. sayang nga lang, talo kami kanina sa dota. kulang kasi kami e. hindi pala pwede puro pusher, dapat talaga may killer. hindi pwede push all sides kasi mabilis makalipat lipat ang hero, mabilis tuloy umangatlevel nila. antaba na tuloy nila, kinawawa kami. hindi kami makabackdoor.

el pueblo night sa sept 10. eliminations ng soundskool. sana makapasok sila norms. i believe in them, at pahihiramin ko sila ng power ni KNP#5, ang hope. wow ha.

so that's it. andito ako sa laguna til friday. may pros and cons ang pagstay ko dito, pero ok lang. baka next year, hindi na to maulit. hehe. pasado ako sa lahat ng subjects kaya am getting ready for next term. andyan ang suporta ng KNP. hindi ako bibiguin ng pag-ibig.

makialam ka!

September 7th, 2005

Catching up and losing some

Posted by maxterspade12ph at 12:56 AM on September 7, 2005.

how would you know which choice is better? I say, you would never know because once a choice is made, one is taken up and all the rest is given up. They are both up, but actually you could and would cherish only one. Still, you would not know if it is the best choice because utility (or happiness for non-economists) is relative and maximum utility is just the point where the next same thing you would get only gives you more pain.

In the economic point of view (gosh i miss school and i learned a lot from econtri) a dimiinishing marginal utility would never again be rising unless a relative asset would be brought in to satisfy the additional unit that gives diminishing marginal utility. why am i saying this? nothing, it is just that it is the best principle i learned in economics, and i believe it saved me from the dreaded 0.0

so, what happened just yesterday? (coz am online after midnight so it is already tomorrow) nothing, you can always listen to a song from the latest album of parokya (halina), and the song is entitlted walang nangyari. basically, that's what happened to me, a little of text messages. But i learned that some one is texting me with globe lines and i could not reply because i have neither ormal nor converted load. so everytime i would reply, i would fail and realize, after a long lag text, that i could not reply.

my brother went home late. he attended a birthday party of some ange. i don't know, i waasn't invited. i see myself in him, but i do not reason out the way he does. maybe because he's the youngest and the most beloved one. once i start working, i would support his allowance. wishing he would be all fine and not worrying about money at all. (not like me and my elder brother)

this term break is not going out all right. i mean, i am not being productive, and that is in some way, good. basically, i am just verifying the title of term break that was given to this short time. still i wish it would all be better.  

makialam ka!

September 11th, 2005

winners and not so winners

Posted by maxterspade12ph at 10:08 PM on September 11, 2005.

soundskool was not really for eng plus one, or i should say eng plus one is not really for soundskool. sept 10 was a night to remember for when we gathered to support our very own eng plus one. we felt like winners, but the tables were turned and we turned out to be not that good. anyway, after that, everything went out fine. the best thing there was rye's shirt imprinted with "i love men"

everything went out well.. konting kwentuhan. then tambay.. then hatiran.. sobrang akala ko, hindi magiging ok. pero dahil sa "perseverance" naging ok siya. i just don't want to remember that night to be so cruel, and believe me, on my way home, kahit hinarang ako ng pulis nakangiti pa rin ako.

then, the day for SBMA was there. no mass! pero ok lang, sir sherwin guadalupe was there, and i played prefect. tapos, deretso ako sa meycauayan. grandparents day po kasi. bawas sa allowance ko yung pamasahe na ginamit ko, but in return i got more, so much more. naibalik ko na rin yung vidcam na ginamit namin para sa sim salabim. all in all, evaluating my term break, i have done so many things. and i am now ready for the next term. 

makialam ka!

September 13th, 2005

first day funk

Posted by maxterspade12ph at 08:44 AM on September 13, 2005.

firt day of classes and i mised a subject.. anak ng leklek! hindi ko alam na may class pala ako ng 1140... nasa kuya ko kasi ung eaf ko at siya ang nag-enrol sa akin, nanggaling pa siya ng laguna.. 11am ko nakuha yung eaf at buong akala ko, 230 pa yung class ko. hehehe.. sayang ka mr. gojocco, di mo ko nakita sa first day of classes.

we named our new clan eynex, and i became clan consultant as i expected. ang saya ko! may position ako na gusto ko..! woohoo;

sked ko naman sa pagseserve sa mass mf 530. kaso, madalas ako male-late sa aking 6pm subject kung ganun! i was named officer din nga pala sa markres.. it is a subject of sales and marketing. puro benta ako sa term ngayon.. sa lahat ng magbabasa, expect niyo na na kukulitin ko kayo.. hehe.

makialam ka!

September 15th, 2005

turn down

Posted by maxterspade12ph at 09:49 AM on September 15, 2005.

mabigat pala sa damdamin yun. yung ihinto mo ang isang bagay na kahit alam mo pwede naman, pero dahil ayaw sapagkat may dapat na mangyari ay kailangan talagang wakasan na. dahil pag nagpatuloy pa, mahirap nang ayusin kapag nakalayo na kayo. buong buhay ko, ngayon ko lang ginawa yun! at nagpapasalamat ako dahil nagawa ko rin siya sa wakas. sana sa ibang bagay, mas magawa ko pa siya ng mas tama.

i would just want to share something, mga text messages, quotes and sayings. sana yung mga magtataka kung ano yun, tanungin ako dahil more than anything else, kakwentuhan ang kailangan ko ngayon. ambigat pare, share the load naman..

digest number 1: A problem is not a problem unless you see a problem as a problem

digest number 2: Why stand up Mr. Anderson, why? Is it for truth, for freedom, perhaps love? Temporary constructs of a feeble human mind trying to justify itself, almost as fake as the matrix itself, although, only a human could come up with something as insipid as love. Why do it Mr. Anderson, why?

from some celphone: ..>n0tagmuNa< I wAs bLinDed by mY fEelin's..I'vee biN s2Pd 2 fAL 4 sUm1 2 tHnk dAt hE dOesnT dsErv LUv n ResPct.. NOW i rEaLyZ hOw FoOLz i aM..I'm rEdi 2 fEz eVryThin' i tOt i LuV hiM dAt mUch bt i wAs wrNg.. NOW i cAn sAy sTraiGt 2 His EYES dAt i dNt LuV hm..Or i cN sAy 8.. I NEVER LUVd U.. Dat wAt i fELT 4 u was juUs nOthn n s2pDty.. MayBe uRuR jUz nYc n sWit..Bt uR nOt a gUd pRsOn at AL..Udnt dServ anY siNgLe tEaR..Bt sAd 2 sAy i aLrdy shEd 1 4 u. HAHAHAHA! >gRls.bWarE<

i think that would be enough from now. absent ako ng bhusipol dahil da DOTA.  wakokoko

makialam ka!

September 18th, 2005

Happy Birthday Nanay

Posted by maxterspade12ph at 08:42 PM on September 18, 2005.

linggo ng umaga

naghahanda na ng pagkain, nagluluto, nagsasaing

nag aantay ng bisita, nag-iisip, natatawa

ngayo'y tatanda na ulit

kailan matatapos

 

handa na ang lahat;

pansit, lumpia, kare-kare at sisig

nakaupo sa wheelchair

tulak ng katulong.

masaya pa rin ba?

 

noong dati'y hinahangaan

ngayo'y ginagalang.

ngunit kagabi'y lumuluha,

ngayo'y mag-isa na

 

susundan kita,

noong una'y nanumpa

ngayo'y iniwan na

sana'y nandito ka.

kahit isang araw lang/.

 

ngayo'y matutulog na.

hindi pa rin nakuntento

sa sarap ng pagkain

pagkat ang kabiyak

wal na 

makialam ka!

September 20th, 2005

Night Out

Posted by maxterspade12ph at 01:40 AM on September 20, 2005.

sept 19, a very fine day, hindi gaano umuulan. tama lang. a good day (or should i say night) to go out somewhere and watch a movie. at oo, yun na nga ang ginawa namin. ako, clif, tin, camille, and gari! nakakapagod maglakad. ikaw ba naman magpark ng kotse sa g4 e samantalang sa greenbelt pala kayo tatambay. can't blame anyone, tinamad lang kami sa g4 dahil walang magandang magagawa dun except mag timezone.

so ayun, nanuod kami ng long weekend. it is about brothers, a long weekend and a whole lot of sex. girls were pretty kahit mukha silang pokpok. anyway, that would not be the punch line of my entry so let's move on.

andaming kwento. kahit nakakasama ko sila sa taft, hinid ako makahabol. siguro, i rely so much on online diaries and belerian boards. yun kasing mga tao dun, ayaw magshare sa boards e. tapos, pag kwentuhan pa, ingles.. hindi lang straight english ha, kikay english ang gamit nila. that would be a runner up to totally gay language na mahirap talaga intindihin. i would not want to understand their way of speaking in a sooner time. not now.

so pauwi na. pagod na ang lahat. hindi na gumagana ang usual senses. the bulk of the kwentuhan goes to what would happen when we were hit by the van which was so close of hitting us. grabe, i think clif wanted to kill smikai, parating all blood and guts of smikai would come flying all over. may new thread sa aming boards dedicated for that event. ang saya kahit nakaka-trauma.

overall i enjoyed the night. salamat sa stick ng philip at buhay pa ako ngayon para mag post nito.  

makialam ka!

September 21st, 2005

The most expensive day

Posted by maxterspade12ph at 06:04 AM on September 21, 2005.

hindi na ko magpapaliguy-ligoy pa. deretso sa punto na to!

wow pare, naloko ako ng scam, at hindi basta basta. 6k ang pinaguusapan dito. mas malaki ito sa 700 sarap day sa intramuros dati. i was online nang biglang nag pm sa akin ang isang friend. at dahil hindi siya ganun na lang kung magsabi ng problema, ayun! kumagat ako sa sinabi niya na ang tita niya ay nasa ospital dahil na heart attack. kailangan daw tumawag sa mga relatives sa states at sa iba pang bansa at nangangailangan siya ng prepaid load. kagat naman ako dahil kasama ang prepaid loads sa learning by doing program ng marksam. ay stock ako kaya nagbigay ako. akala ko sales na pare, instant sales na. pero hindi, scam pala. smart buddy na umabot ng hangang 6k. wow pare, laki nun! sobrang hindi ko alam bat ko nagawa yun. May baliw factor sa sales, hypnotic factor sa smileys, at addikted factor sachat. wala pa doon ang bait factor sa friends.

nalaman ko lang na scam yun pagdating ng hapon, nung kinausap ko ang isang higher being sa akin. hindi ko pa na-gets ang mga babala nila ng text scams. nakakainis, nakakaawa at nakaka---grrrr, may isa nga akong friend, halos 10k ata ang nabigay niya. sana wala nang kumagat doon sa scam na yun.

1 ang mga nakialam

September 23rd, 2005

responsibilities

Posted by maxterspade12ph at 01:55 PM on September 23, 2005.

unti-unti ko naman ginagawa a, pero ang problema. hindi ko tinatapos ang trabaho. nasisimulan ko nga, pagdating sa point of confidence na, kaya na. wala na, binibitawan ko na. i like the challenge of things. gaya ngayon, asa cybernook ako. naghihintay ng 2:30. kasi, hindi ako nakapagreserve ng TV converter. e dapat nung wednesday ko pa yun ginawa. sana pala, ginawa ko na kaagad. hindi ko naisulat sa aking tickler kaya nakalimutan ko na ng tuluyan. buti tinawagan ako ni edjo para paalalahanan ako.

sales, kailangan na makabenta. malapit na matapos ang buwan at kailangan lumabas sa sales report ang galing. tapos, hindi lang yung sales ang dapat na habulin, pati na rin ang income. 6k ang dapat bawiin at bukod pa doon, umabot na sa 2.5k ang pinaiikot kong pera. hindi ko man mabawi lahat ng 8.5k na iyon, sana man lang, magawa ko ng tama. kahit hanggang sa confidence point lang, ok na ako.

magse-serve sa mass, tapos, tatakbo sa klase. yan ang buhay ko ngayon. ang saya noh? tapos may intphil prof pa ako na sobrang manlait ng religion. sobra yung biases and exaggerations niya. siya lang ang challenging subject ko this term. sure pass ako ngayong term na ito e.

makialam ka!

September 26th, 2005

dalawa siya?

Posted by maxterspade12ph at 12:54 AM on September 26, 2005.

asa greenbelt and at the same time asa sm manila? pano nangyari yun? 

full story is on

http://belerians.proboards34.com/index.cgi?board=love&action=display&thread=1127380809 

makialam ka!

September 29th, 2005

mahal ka ng kaibigan mo

Posted by maxterspade12ph at 12:50 AM on September 29, 2005.

the day is so heavy.. nag baccalaureate mass, then pumasok sa apat na class, then basketball (kahit talo kami, ok lang, nagkukwentuhan lang naman kami e. secondary activity lang ang basketball). tapos, KFC then dota (talo ko si cllifford) and counter strike (talo ako ni tintin). texting in between those things. they all kept my day so busy. masaya ako dahil kahit sa idle time ng 1640 - 1800 andun si rye para makwentuhan ko at sobrang saya ko dahil alam ko na pag kinuwento ko kay rye, parang kinuwento ko na sa buong LSPO. at masaya ako pag alam ng mga tao na masaya ako. malabo yun pero oo, ganun yun!

as of the latest, am doing well in marksam.. may sales ako na umaabot na ng 1500 at may pending proposals pa ako. sana kumagat ang marami sa animo magazine advertisement package ko.

medyo ang hina ko na mag text sa clan ko. kasi naman, sa chat ako busy ngayon. anu ba yan? mga walang wenta ata mga pinaggagagawa ko ngayon a. pero dun ako masaya e. dun ako nagiging busy para malimutan ko ang mga taong gusto magpalimot. na obviously, hindi ko magawa.

so anyway, i had fun bowling, kahit hanggang ngayon, masakit pa rin braso ko. dun ko lang nalman na ang pagkakapanalo sa bowling ay isang malaking bragging right. pwede kang umupo upo na lang habang ang mga tinalo mo ay nag aantay ng taxi.. at sila pa ang may bitbit ng groceries. hehehe. marami pang nangyari bukod sa bowling. kumain kami sa lemon grass, nag powerbooks, nag daytona kung saan talo ako. at hmmmm, meron pa e, kumain sa bahay ng lunch at nanood ng TV. andami noh? ang panonood ng play na 300 ang ticket ay walang panama dun. kahit pa ang panunuod ng long weekend sa sm manila. (yabang)

about the 6k, alam na ni madel na nabiktima ako, at she promised to help a little sa marksam. sana makatulong siya ng malaki. sayang ang kita e hehe, as i have said, swerte na rin yung nangyari sa akin, at least may push ako na magmarket.. di ba?

 

 

makialam ka!

« 2005/08 | 2005/10 »

Site powered by Tabulas.