10.05am 1.30pm 3.30pm

We do not stop playing games because we get old. We get old because we stop playing games.

Kampeon Ng Pag-ibig

promking

Pardon shall only be granted to those who repent, truly, in their hearts.

WARNING: Those who seek shall find.. If you do not want to find something, please lang... DO NOT DARE TO SEEK...


your name:

url:

your message:



Communities

Categories

My Links:









SPONGE COLA lyrics



Triplejack Poker

Entries for November, 2005

November 5th, 2005

Camille's bday

Posted by maxterspade12ph at 12:04 PM on November 5, 2005.

ang saya naman ng bday ni camille. at last! pinayagan na siya magpa-inom. pero mahina na ako uminom e. kahit sa comgath ng aspirancy, hindi ako maka-inom..

so yun na muna ang balita.. next time ko na lang update.. marami pa kasi dapat mangyari at ayoko pangunahan ng mga sana, isusulat lang kung ano na ang nangyari.

makialam ka!

November 7th, 2005

Sausage fest

Posted by maxterspade12ph at 06:48 PM on November 7, 2005.

officially, the sausage fest started when I was there at the homebase. thursday ata yun. at natulog ako sa sahig. medyo nagkasakit ata ako kasi nakatutok sa akin ang orbit fan. andun ako till sunday. so bale 4 days akong wala sa bahay. sobrang saya at ang dami naming pictures. una muna, ako lang at si cliff, then after bday bash ni camille, dumating si gerald. then, si boromeo sa umaga. tapos si pong bandang hapon. lima kami pero kailangan umuwi kaagad ni gerald kaya back to apat. the best part is AKO ANG PANALO SA MAIN EVENT NA MARIO PARTY. natalo ko si clifford dahil mas mataas ang coins ko kahit pareho kami ng stars.

ang dami naming pictures. mas marami pa kumpara sa bday ni camille. hehe.. check them out at boytigas.multiply.com. uploaded na ata.

naka-recharge na ulit ang mga kampeon. sana wala nang mangyaring masama.

2 ang mga nakialam

November 11th, 2005

pag-ibig, pag-asa, pag-iingat

Posted by maxterspade12ph at 04:38 PM on November 11, 2005.

sobrang saya ko ngayon kahit hindi ako pumasok ng marksam. pano ba naman, naglaro ako ng dota at inabot kami ng 100mins. sa warzone kami. five on five. kalaban namin mga olaponga. panalo kami kahit walang phantom lancer. ok naman yung mga kakampi namin pero hindi kasing optimum ng paggamit sa mga heros nila. di kagaya nung pag gamit ko kay tiny, pag gamit ni cliff kay lich at ni gerald kay rikimaru.

2 ang mga nakialam

November 13th, 2005

kulang sa pokpok

Posted by maxterspade12ph at 05:30 AM on November 13, 2005.

isang buong araw ng pag-aayos para sa christ week celebration. libreng pagkain at kataku-takot na gawain. para sa akin, masaya siya. alam ko kasi kung bakit kailangan ito. awareness lang naman ang hinihingi naming mga lasallian animator. mapaalalahanan lamang sila na may iisang kristo, ok na yun. bahala na sila kung ano si kristo sa buhay nila. para sa akin, i kristo ay higit pa sa kahit na sinong olaponga, higit pa sa kahit na sinong kampeon ng pag-ibig, at higit pa sa kahit na sinong call center agent.

may isang beam sa exhibit na ayaw bumaon. at kinailangan pa ng isang kampeon para mag-diretso ng pirasong bakal na iyon. hindi ko talaga gusto ang blue collar job. kung gugustuhin ko man, sa bahay na lang siguro kagaya ni kuya francis ng movers, maglaba at mamalantsa habang nagsasaing.

dapat ngayon nasa animo run ako sa rockwell, pero andito ako sa harap ng computer. tinatamad kasi ako at wala akong pera para doon. sa susunod na taon, sana makatakbo ako. 

i love you too. 

1 ang mga nakialam

November 16th, 2005

intphil

Posted by maxterspade12ph at 01:04 PM on November 16, 2005.

out of 40 students, 13 lang ang pumasok. 15 ang nakapirma sa attendance. yung dalawa, sa sobrang kapal ng mukha, pumasok, pumirma, tapos lumabas na. e pano ba naman, alam namin na absent si gojocco hanggang friday. hindi namin alam kung bakit. ang alam lang namin, may benda yung kanang braso niya at mukhang may pilay. sabi nga ng mga kaklase ko, nakipagsuntukan daw yun sa muslim. nagkaron ng thesis-antithesis-synthesis activity tungkol sa e-vat. at ok naman yung lumabas na insight.

sa KNP, kinikilala akong pinakamagaling sa one on one. hehe. tinalo ko na si number 2 at si number 4. kawawa naman sila.

1 ang mga nakialam

November 17th, 2005

mga walang lovelife

Posted by maxterspade12ph at 12:28 AM on November 17, 2005.

nuod kanina harry porter sa shangrila. kasama ko si kudo, ate kat, ate kook at ria. at nanlibre ang kambal. sila ang nagyaya kaya sila ang taya. hindi ko lang masabi sa kanila na kaya siguro sila nanlilibre kasi wala silang ka-date. the movie was spectacular. ok yung challenges. kaso, as usual, maraming scenes at characters na nawala. in a movie that long, ayaw ko na dagdagan pa. ok na sa akin yung ganon kahaba. a good reason to say, it is better to read it than you watch it; you would get the full story.

si ria nga pala may love life. si carlo yung boyfriend niya ngayon. ok naman, matangkad tsaka hindi mahiyain. kahit mukhang bading (sabi ni ange) ok na sa akin. hindi naman ako ang nakikisama. at mas nag-aayos na si pinsan ngayon. 

kanina rin, nagserve ako sa high mass. kumpil. may kainan. masarap ang barbecue. at ang obispo ay walang staff and mitre. mukha tuloy kaming tanga ni lysander dahil wala kami gaanong ginawa. ang masaklap pa nun, hindi ako nakapag exam sa busipol. sana pumasa ako dun. kahit papers lang ang makapagpataas ng grade ko, ok na. masaya na ako sa uno. mali talaga ang way of thinking ko. masyado kasi ako mahilig sa riskiest decisions e. so far, kahit ganoon ang sitwasyon, ok pa rin ang kinalalabasan. sana maulit muli. 

8 ang mga nakialam

3 questions

Posted by maxterspade12ph at 06:07 PM on November 17, 2005.

What's On Your Mind ?!

I want everyone who reads this to ask me three questions, no more no less. Ask me anything you want. Then I want you to go to your journal, copy and paste this allowing your friends (including myself) to ask you anything.

Ask away!

I'm feeling genius today!

26 ang mga nakialam

November 21st, 2005

misyon para sa marksam

Posted by maxterspade12ph at 05:37 AM on November 21, 2005.

andito ako sa laguna ngayon. mamaya ako uuwi sta.mesa. derecho na pasok skul. andami ko orders grabe. sana lang mapondohan ko ng sapat.

yun ang naging misyon ko sa pag-uwi ng sta.rosa, ang kumuha ng orders para sa marksam. para kumita ng pera. sinabay ko na rin sa pagbisita sa mga dapat bisitahin. natutuwa naman ako dahil more or less, nagawa ko ang mga dapat ko gawin.

may natutunan akong bago sa dota. gagamitin ko yun sa susunod kong laro. 

am very happy about the 3 questions thing. kinopya ko lang yun from some one else's site. marami palang curious sa buhay ko. kaso, parang may isang set ng questions na mahirap sagutin. hehe.

makialam ka!

November 28th, 2005

Retreat for aspiring postulants

Posted by maxterspade12ph at 07:27 PM on November 28, 2005 in Personal Development.

november 26 - 28. three days. all males, one roof, more than a dozen of rooms. twelve different vocation stories. one goal. discernment. although the idea and the objectives are not suitable for me, as the youngest aspirant for the brothers of chistian schools, i still am present.

but i, admittably, did not get into the spirit of the retreat myself. i can't seem to detach myself from the idea that even before the retreat, i already had my personal victory over busipol. and the term wasn't a total bad luck after all. i was even late for sessions and actually missed one session because i fell asleep in my room. we were asked to have a meditation and a dialogue with christ, but what i had was a dialogue with aling norma, the cook. also, during breaks, i still managed to get hold of my celphone and do the necessary things a co-founder of a text clan called eynex should do.

despite of that, i had the best experience ever. there was beer, food all over, magic sing, healthy environment, happy people, and so many life stories to hear. babbette's feast was also a great movie to watch. and there is always another approach to the emmaus experience. i had the chance to see first hand how wild brother president is when he is drunk. believe this, it is the first time he heard about the song don't touch my birdie by parokya ni edgar.

now, i am more inclined to this vocation than any other choice i got. but still, there is a huge piece of me that would definitely say no if the time somes that my mentor asks me if i would enter the postulancy. a piece that is tied to different threads that would connect to only one lady. hope she knows who she is.

2 ang mga nakialam

« 2005/10 | 2005/12 »

Site powered by Tabulas.