8.30pm 11pm 1.20am

Entries for December, 2005

December 5, 2005

virus

Written by maxterspade12ph at 09:55 AM.


wala kami computer at hindi alam ng kuya ko kung ano yung sira ng computer. andami kasing bagong parts kaya medyo complicated. suggest ko nga sa kanya. maglagay ng 2 weeks allowance bago bumili ng next na bagong part para maka-adapt na yung mga luma sa bago.

70 out of 100 sa marksam. andami kong kapalpakan, sing dami ng ginawa kong tama. mahirap yung naging presentatio and i must say, hindi pa ako ganun ka-sanay magpersonal selling. practice pa. at mukahng hindi ko rin abot quota ko, buti na lang inextend uyung deadlines.

 


2 ang mga nakialam



December 13, 2005

TA3, BAGSAK AKO INTPHIL!!!

Written by maxterspade12ph at 12:35 PM.


puta talaga. naisahan ako ni gojocco. ang final exam niya ay objective type. at para sa akin, unusual yun kasi nga philosophy subject ito at dapat, ilabas mo ang natutunan mo. arguments dapat. hindi mga what is the philosophy of Camus and Heidegger. pambata ang exam at hindi na ako sanay maging bata.

ang mas pinoproblema ko ngayon, yung fact na wala na ako subject na pwede ibagsak. alam mo, naramdaman ko na rin ito, every term na lang, I am living on the edge. pero ngayon, mas nakakatakot. kasi nga talagang walang patawad si gojocco dahil kilala na siya na nambabagsak. at malayo talaga yung grade ko para maipasa pa. sobrang ginulat ako ng exam niya. handa pa naman sana ako magdefend ng arguments ko, pero hindi ako handa sa memorization exam. sabi nga ng kuya ko nakakahiya kasi nga hindi major yung ibabagsak ko.

buti na lang nandyan si babhe. kung kailan ko kailangan ng karamay, isang simon of cyrene na tutulong sa akin magbuhat ng aking krus, nandoon siya. isang text lang. at syempre, i opened up so she also opened up.

nagtatampo tuloy ako sa mga kampeon, palibhasa sanay sila bumagsak at sanay din sila na nasa edge ako. at sanay din sila na magagawan ko ng paraan para hindi mahulog. pero hindi sila ang kailangan ko ngayon. maraming salamat na lang.

si zeechie stop din pala sa pag-aaral. hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinggit ako. tapos sa may kinainan namin ni babhe may mga kaklase din ako na nagwowork sa sykes. talagang nakakainggit yung sitwasyon nila. pero kailangan ko magtapos ng maaga. ang naging desisyon ko kagabi, ituloy ang pag-aaral at tapusin ang school in the fastest possible time. ayoko gumraduate ng 21 years old ako. kung ganun din lang, bakit pa ako nag DLSU.

si kuya do, bababa ang tuition niya in the following terms, kaya hindi ko dapat problemahin ang tuition fee dahil there would be more for me. pero in any case, gusto ko talaga kausapin ang parents ko. just to draw out some strength from them. hindi sapat ang kapangyarihan ng abstract na pag-ibig. kailangan yung nare-realize. at simulan uli natin sa pamilya. magpapasko na, tamang-tama.

ngayon lang ulit ako nagsulat na hindi pa nangyayari. mahirap kasi talaga pag kinimkim. naiipon at nakakatakot pag pumutok. sinubukan ko pa mandaya sa intphil. pero hindi talaga kinaya kahit dayain ko pa. bagsak na ako dun for sure.


1 ang mga nakialam



December 18, 2005

3 nights straight

Written by maxterspade12ph at 04:57 PM.


kailangan mag luksa sa aking ibabagsak na subject, so i stayed up very late for 3 nights now. ngayon pa lang ako nakabawi kaya ngayon lang ako update ng tabulas.

1st night: kaka-install lang ng RF online dito sa bahay at ok naman yung connection so i played until mga 5am. kaso, up to now, level 22 lang ako. mahirap magpa-level kapag specialist ka. hindi naman nakakalevel up ang paggawa ng items e. pero ok naman. marami naman kasi akong kakampi na Cora. nandyan si zeechie at si idol sentissima. at syempre, nagsimula na rin si guild master circe. i am exciteed. sana mag level 30 kagad ako.

2nd night: belerian christmas party. although nagkaproblema ngkonti dahil si camille ay talagang allergic sa tricycle, ganun talaga. nagawan namin ng paraan. kaso same old faces, mga lower batch lang at si raprap ang nandun na kakaiba. nakatulog nga ako e. uminom lang ako ng konti. all in all, aksaya sa pera... hehehe.. yung lalagyan nga ni camille ng baked mac, asa bahay pa sa sanlo. hindi ko pa nasosoli.

3rd night: fscaspirants christmas party. eto ang tunay na inuman at kantahan. we got 3 new aspirants, si toby, marlo, and si butch. more or les dumadami na kami. at sana dumami pa lalo ngayong papasok na ata sa postulants yung iba. it was fun. we gave bro.armin a small gift, but it was expensive. hehehe.

hindi pa tapos ang pasko, or ang christmas break for that matter, andami ko na na-acomplish. natutuwa naman ako. nasabi ko na rin kila daddy yung plano kong mag extend ng one term pa sa school. ayoko  naman dumating yung panahon na ma-miss ko na lang ang pag-aaral. nasabi ko na rin yung tagilid ko sa intphil. syempre, edited na yung story. pero more or less, hindi siya nagalit. anniversary nila ni mommy kaya wala siyang balak na magalit. hehe.

{ mood } energetic


makialam ka!



December 21, 2005

for the love of...

Written by maxterspade12ph at 12:33 AM.


naku naman. i just passed intphil. 1.0 i survived gojocco, no one can stop me now.. hehe.. ang story nga nun, hindi ko dapat kukunin course card ko, e since nag disperse na kami, at i have no place to go, nagpunta na rin ako sa M414. dun nakatayo si sir gojocco, at nakababa sa lamesa ang rubber banded course cards, dinampot ko ang sa section ko, nakita ko na sa ilalim nakalagay sa akin dahil inverted alphabet ang pagkakaayos.  at nang makita ko na piso, nagpasalamat ako, ngunit hindi pa ako nagtatalon at nagsasasayaw. bumaba ako hangang 2nd floor at may nakitang mga kaibigan. ayun, doon ako nagwala. piso piso!! piso!!!

tapos nun, deretso warzone, nag-aantay ang mga kampeon. kumain muna kami at nagbalik sa warzone ng mga 430. nag log-in kami sa RF online. at ayun, tuloy tuloy na hanggang 12mn. level 25 na ako at full ang short and long range PT ko. tapos, panalo pa kami sa Chip Wars kasi magaling ang Archon namin. natutuwa naman ako. dahil habang naglalaro ako, pumasok ang grupo ng ground patrol. mga bellato daw sila. hindi ko lang natanong kung anong server, pero mga level 15 lang daw sila. dumarami ang mga nagiging kalaban. at kailangan maghanda ng maigi para doon.

hindi pa ako umuulit ng simbahan sa simbang gabi. natutuwa ako. at marami pang simbahan ang pwedeng puntahan. sana makumpleto ko at hindi ako tamarin.

sa lahat ng mga naniwala sa aking kakayahan, maraming salamat. utang ko sa inyo ang level up ko. maraming salamat. 

{ mood } super happy!


makialam ka!



December 26, 2005

sana ngayong pasko

Written by maxterspade12ph at 01:45 PM.


hahaha! sobrang saya ng christmas gathering sa meycauayan. this time, si kalvin naman ang may dalang girlfriend. and she's pretty. kapampangan from san fernando, and to be honest hindi siya maganda sa unang tingin. pero it turns out well. at syempre, kasali siya sa games namin just like what we had last year. this time, may lightning sharades, PINAKA, at gues the title/singer/lyrics. at pagkatapos, napalaro pa namin ang matatanda ng same set of games except that wala silang PINAKA, kundi the never ending ascending descending...

yung sing a song, guess the title/singer ang pinakamasaya sa lahat. biruin mo, napakanta namin si tita Paz. at guess what, after all these years, in or out lang pala ang hinihintay niya para mapakanta siya. sandara park pa talaga yun. my god. sobrang saya.

and then, after all those games, kantahan, at exchange gifts, nagkaroon ng hot seat. at wala naman talaga akong itatanong specifically kasi kilala ko na si liezl (name ng girlfriend ni vino) from fone. ok siya sa akin. gusto ko lang ma experience niya ang ginagawa namin sa karamihan. at natutuwa naman ako at ganun nga. may mga tanong lang na hidni pa siya confident enough to answer, pero more or less, it went out good. i think pasado naman siya sa karamihan lalo na sa mga kapatid ni kalvin. congratulations liezl.

and after kainan. bumibira na sila choy sa karaoke. syempre hindi magpapatalo si promking. nagpasok rin ako ng mga kanta at nagsimula na ang concert namin. hehe.. mga 9pm na kami umalis doon. sobrang saya ng pasko.


makialam ka!



« 2005/11 | 2006/01 »
Ako si JP, ang ikalima sa mga Kampeon Ng Pagibig. Idolo ni JP si Mario Mario. Ang tuberong ginagawa ang lahat para sa Pag-ibig. Isa lang ang hiling ni JP; ang maunawaan ng tao kung paano maging Jesus-like, bago maunawaan ng tao kung paano maging God-like.

tagboard

your name:

url:

your message:

content pages

links

categories

communities

credits

Layout © Up4Grabs
Site powered by Tabulas

Blog owned by maxterspade12ph