Entries for May, 2006
Written by maxterspade12ph at 06:02 PM.
hazel naman. pupunta tayo sa lugar na hindi mo alam ang address? sa susunod, kakausapin ko muna si lief sa phone ha. pero that was a long walk to remember, and your cousins are so nice.
happy birthday kay pencil kahit wala inuman. masaya na ako na nakapagRAN si dimple habang naglalaro ako ng CS. tagal ko na hindi nakapag CS at nakasaksak ako ng tatlong beses. nakakatuwa! feeling ko ang lakas ko. hehehe.
natagalan din ako sa 7-11 nun. pero in fairness i arrived 10mins before expected touchdown time. mas mabilis talaga ang pagdaan sa edsa kesa sa quiapo.
birthmonth ko na. wala na makakatalo sa akin sa chess. hinahamon ko ang kahit na sinong kampeon ng pag-ibig, DOTA!!! may bday aura na ako. humanda kayo.
Written by maxterspade12ph at 12:35 PM.
midol-400, feosol for kids, carbamacepin
Midol 400, a higher dosage of ibuprofen for all types of women, for all types of pain. There are lots of pains that women of today experience bot inside and out. Valeant pharmaceuticals is aware of this problem that is why they try to alleviate the suffering of the species that first bit the forbidden fruit.
Feosol for kids, iron syrup supplement for the iron deficient persons that can not take the tablet form due to certain reasons. iron deficient persons easily become tired. they are weak in nature and are pale in color. Most people that suffer from iron deficiency anemia are kids and women that lose blood during their monthly periods and natal operations.
carbamacepin is for epilepsy. there are certain cases of these in the philippines and most of them are in the rehabilitation centers. The company aims to help the victims live a normal life just like any other person.
These are the products that are dear to our hearts already. and once they are out in the market and is selling, we will then be proud that once in our lifetime, we were researchers. Researchers that would help the sick like doctors do.
Written by maxterspade12ph at 03:55 PM.
sana nag takbo ka na lang. bat lumakad lakad pa. ang layu-layo, pabalik balik. balak mo pang pumunta ng los baños! pero syempre, may mga bantay ang entrance to skyway kaya hindi na maaaring magpatuloy. mapapagod ka rin pala, hihinto, uupo, kunwari pang madumi ang sahig pero uupo din naman pala , sasakay ngjeep kahit alasquatro na. magbabayad ng barya, minsan buo, pagpapasukli at magaabot ng sukli. aakap at hahawak sa kamay kapag may pagkakataon. tatawa, ngingiti, hahalakhak sa bawat minuto. ang higit sa lahat, kumportable sa isa't isa. walang itinatagao, kinukwento kahit ang nakaraan, ang ngayon at ang bukas. napagod ako, pag-uwi ko'y tulog agad. hindi na pinansin ang lola na halos naluluha na dahil sa hindi ko pag-uwi. pero naroon ang mga kapatid na sumusuporta. masaya,. masayang-masaya.
{ mood } thoughtful
Written by maxterspade12ph at 07:25 AM.
inumaga ako ng uwi. nagalit si lola. syempre kasi hindi ako tumawag. mahal na mahal ako ng aking pamilya. at ayoko ng ganun! 19 na ako. mag20 na ako. di pa ako bumagsak sa kahit isang subject. attitude problem lang talaga. hehehe
last day na ng OJT. presentation kami first thing in the morning. gagawin namin ng tama.
wala akong load sa rf. GEB na sa may20. kila mamu gaganapin. malapit lang yun kila gerald , pero syempre, hindi ata pupunta sila gerald. sila nga ang nagtulak sa akin mag-rf, tapos ngayon, sila ang wala. mga weak kasi sila. kahit na hindi ako no.1 artisan, ako pa rin ang pinakasikat na artisan. at kailangan ako doon. i mean, gusto ko na andun ako. (syempre mambabara na naman ang mga kampeon) ganun talaga. ayaw lang nila aminin na weak sila at hindi sila marunong maging passionate.
at biruin mo pa yan, kasama ko si hazel sa GEB. siguro madami din siyang kakilala dun, mas marami pa kesa sa akin. kasama ko mga alliance at mga dating advent. manunundo ako ng tao sa pasay. natutuwa naman ako. hehe
Written by maxterspade12ph at 01:43 AM.
it's not me, it's you!
Written by maxterspade12ph at 11:20 AM.
waaa. pilay si gerald.. katangahan sa greenbelt.. nakakaawa.. yan tuloy, di siya makakasama pag nanlibre ako sa bday ko. a good excuse para hindi ako manlibre.!
bday aura ko, hindi gumagana, tinalo ako ni pongee sa chess. pero masusubukan pa natin, lalakas pa iyon sa paglapit ng aking kaarawan.
nagawan namin ng paraan kung paano makakagamit ng internet kapag hindi gabi. simple lang naman, kakabit lang kami sa aming pinsan. pero ang problema, dapat tanggalin na bago pa siya dumating. hindi na problema yun pagdating ng pasukan kasi panghapon ako. bago ako umalis ng bahay, matatanggal ko iyon, at pagbalik ko, pwede na gamitin yung telepono ng bahay dahil gabi na.
galing ako sa ayala museum. maganda don, magaling yung tour guide namin. bagay na dun na lang siya magtrabaho. sana magkaroon na ng magaling na historian ang pilipinas. nakakainis naman kasi, andaming mga bagay na dapat baguhin, pero yung tinuturo sa mga classroom ay yung mga tinuturo pa rin noong unang panahon. mali yun! dapat talaga ayusin na!
{ mood } hungry
Written by maxterspade12ph at 10:41 AM.
masyaa ang first day of classes. nakaka first day funk talaga. 340 start ng class ko, L332. the usual wing of high level marketing/bm students. 320 pa lang, asa lasalle na ako kaya dumaan muna ako sa homebase -warzone. nagpakita lang ako at andami nang tao dun. masaya na ulit! andun na mga idol. umakyat ako sa classroom at hindi yung expected prof ko ang nandun! nandun si Banjo Velasco, the prof who threatened me of a failing grade about two terms ago. nakakatuwa dahil gusto ko siyang professor. he really teaches through experience kahit hindi detailed.
to follow the day up, umakyat na ako sa yuchengco building for my next class, a relsfor class with no professor in my EAF. I was hoping for Mr Hernan Raymundo, at para akong naghulog ng barya sa balon! dininig ang aking panalangin. may mga kaklase ako na hindi siya kakilala at medyo natatakot sa kanya, palabiro kasi. pero natutuwa ako at siya ang professor ko dahil about several terms ago, noong relsfor ng tropa, sit in ako sa kanila dahil si Hernan ang prof. masaya ang mga kuwento niya. The thelogy of the social sciences is reaally funny, but it is hurting, a course where the truth really hurts.
{ mood } apologizing