Entries for October, 2006
Written by maxterspade12ph at 07:54 AM.
bmau clap, and i've seen it on nest.
for me, this was the highlight of the event. coordinator ako and i was paid to be there, natutuwa ako dahil nakuha ko yung trabaho a week before the event. i signed the contract with no briefing whatsoever.
what really happened was, both belatto and cora slayed the accretians. alam nila na hindi kaya ng walong tao lang ang kahit na isang accretian kaya pinagtulungan na nila ang mga ito. yung unang laban, sobrang gulo. nung patay na mga accre, naghiwalay na ang belatto at cora para sa sumayaw ng chacha.
sa 2nd match, ganun ulit ang strategy na ginawa nila. nung wala nang tincans, sumugod na ang bmau using follow the light strategy. di yun umubra kaya bumalik muna sila. after 10seconds, umabante ang bmau pero this time, side by side ang mau sa mga footies. tingin ko equally divided at bmau talaga sa gitna. then nag clap ang mga ito to eliminate the AGT and look for the spec. since hindi nila mahanap ang spec, pumatay na sila. tumumba ang hindi pa nakahandang mga corite. before you know it, naka we won gesture na ang mage ng belatto.
masaya at magulo, madaming tao, may tback at kamikazee, may iya at may camera. pagkain na marami. sobrang saya.
sulit na sa akin, dog tag pa lang. next year, kung hindi ako kasali sa laban, event coordinator ulit ako.
Written by maxterspade12ph at 03:10 PM.
ang dami na nangyayari sa paligid ko. pero wala ako pakialam.. gusto ko munang naka retreat mode ako. reflect dito sa bahay. tulog. kain, laro. lahat ng pasarap kahit walang pera. hindi lalabas ng bahay. home boy muna sobra. dahil alam ko, pagkatapos ng lahat ng ito. hinihintay ko na lang ang oras. at sobrang wala na akong oras para sa sarili ko ulit. kaya ngayon sinusulit ko pa.
kalaro ko si baal ng biliards nung saturday. sabi nga niya pagupit na daw ako. sabi ko wag muna, dahil di pa ako graduate. kamukha ko na si kazuma azuma ng yakitate japan. at pareho kaming artisan. mas magaling nga lang siya dahil bread artisan siya.
at hindi pa oras.
si kulit nga pala, nakakita ng bagong spark. gud for her. hehe. di pa oras. maghintay muna me. isang mabigat na tao ang kakumpitensya mo promking. gwapo ka lang.
Written by maxterspade12ph at 01:21 PM.
lahat ng bagay ay nagbabago, kung di ka makasunod sa pagbabago, mapipilitan kang bumitaw. pero ang mga bagay na pinipilit na hindi magbago, nakakasawa. kaya bibitaw ka rin. sa dalawang sitwasyon, sigurado ang hiwalayan. ang dapat na lang kontrolin ay kung paano mo dapat tanggapin ng matiwasay ang pahihiwalay.
sa loob ng tatlong taon, natuklasan din ni PJ na hindi para sa kanya ang aspirancy, kaya kagabi, sinabi na niya ito sa amin. iniwanan na niya kami dahil sa tingin daw niya ay hindi talaga iyon ang para sa kanya. sa tingin ko rin. gabi-gabi na lang kasi, pagkatapos ng lahat ng gawain, nakukuha pa niyang magbulakbol. wala naman siya ngayon sinisinta pero ganun lang talaga ang lifestyle niya.
kahapon din, dahil sa hindi pagkakaunawaan, napilitang palayasin ng koponan ang mga lowbies. kaya sobrang tensionado ngayon. lahat ay alisto. maaari lang silang makabalik pag lumakas na sila. at kahit sobrang tagal na nila sa guild, mas lalo silang walang karapatan dahil hindi sila nagpapalakas. ng lubusan. pinabababa lang nila ang puntos ng guild sa ranking.
patuloy pa rin ang pag-aaral. patuloy ang pakikisaya sa mga taong punung-puno ng emosyon. wag ka lang pahahalata na naaapektuhan ka na. masakit iwanan, masakit magpalayas, pero dahil ang buhay ay patuloy na tumatakbo, kailangan mong magpatuloy. iwanan ang hindi nakakatulong, pabayaan ang mga bagay na sa tingin mo'y ikaw ay pabigat lamang. pabayaang umusad ang buhay ng ibang tao. wag kang maging sakim. mabuhay ka ng marangal at kaaya-aya sa mata ni Decem.
Written by maxterspade12ph at 04:50 PM.
idiocracy. di ko alam ibig sabihin nun, kung alam ninyo, paki comment na lang dito (o baka idiocicracy ang tamang word, di ko alam e)
birthday/graduaton party ni endey nung saturday oct28. lumalabas ang mga pangalan ng mga tao kagaya ni hazel at wendy. medyo nakakahiya nga ang stories tungkol sa kanila pero ganun talaga, lasing na e. nandun din si ate nica, si julie, si kian. madaming tao dun. pati mga dating bata, nandun. ang ganda nga ni dana. hehe. anak-anakan ko nung play namin nung high school pa ko. iba talaga, mana sa ama.
syempre, special place in my herat ang celebrant. at ayun lasing, wala si bryan kaya naglabas na ng stash niya. nagtatago pa sa kanyang ina. at halos ipagkalat pa sa sangkatauhan na ex niya ako at si harvey. ang huling bilin niya sa akin ay mag-usap kami one of these days. tingin ko may alam siya na dapat ko malaman. pero tingin ko , hindi na iyon ganun ka importante sa akin.
masaya naman syempre. minsan lang magkaroon ng ganun kaya in between a sausage fest. malas nga lang si clif na naman ang superstar. chamba talaga yun sa last 2 rounds. nakakuha ng tatlong stars kaya naging third placer na lang ako. sayang talaga.
wala pang pasok bukas. technically wala kasi called off classes after 12.50. 2.40 pa ang class ko kaya wala me pasok/ swerte nga naman.
maraming salamat sa lasing na tito mike. kahit papaano, nakatulong iyon.
i write to express not to impress rap rap. di ako kagaya mo