8.30pm 11pm 1.20am

Entries for July, 2007

July 4, 2007

am so techie

Written by maxterspade12ph at 04:01 AM.


sentinel - nessaj, squee and spleen, mirana, razor

scourge - viper, pugna, mortred, lich king

** nagpupush na ang sentinel. last tower ng mid lane. kumpleto kung dumepensa ang scourge.

squee: pressure na natin to. kahit malakas sila, hindi nila tayo kaya.

spleen: yup yup (sabay tanim ng stun mine sa likod habang abala ang partner na tumitira sa harap)

nessaj: teka lang, antay muna tayo ng creeps.. blink strike ako pag marami na tayo kasama

spleen: happy birthday (naghahanda ng remote mine na itatanim sa harap.)

mirana: arrows ready, pasok lang kayo (sabay ngiti kasi alam niya na sa likod lang siya at handa siya magleap pag nagkagipitan)

nessaj: pero wala pa si razor, nagpa-farm pa.. sigurado ka ba?

squee: oo, hayaan mo siya. basta bumanat kayo

spleen: roger that. (sabay tanim ng pangalawang remote sa tabi nung unang remote)

*** tele na mga scourge sa base nila. naghahanda na sila sa sagupaan

viper: basta kampante lang kayo. pag may pumasok na hero, focus fire.

pugna: ako na bahala sa creeps, iilawan ko ng magic dust.

mortred: basta pag blink strike ko, suportahan ninyo ako.

viper: sure... oy lich asan ka na ba?

lich: sandali lang, may binibili lang. kita mo boots at refresher lang meron ako dito. kailangan ko ng maraming mana.

viper: ayan na sila. palabas na rin creeps natin, humanda na kayo.

*** paglabas ng creeps ng scourge, sinabayan ng pasabog ng isang remote mine, naubos kaagad ang creeps ng scourge. no choice sila viper kundi umatras ng bahagya.

mortred: ok lang yan, papasok ako. (sabay blink strike. sa hero ng kalaban.)

pugna: eto na ang magic dust! (tumumba ang ibang creeps ng sentinel pero may mga paparating pa.)

lich: ako na bahala sa iba (frost nova para maubos ang creeps)

viper: syet, dumami yung techies. hindi ko alam kung sino ang iba-viper strike.

mortred: aray, kuryente (naramdaman niya ang pagdating ni razor sa eksena)

pugna: kaya pa natin to.

- = : dzzzonnngggkkk  : = -

mortred: ano to? d ako makagalaw.

viper: atras muna, stun mine yan.

lich: malapit na chain frost ko. wait lang.

*** pero wala pa rin sila magawa. kada labas ng creeps ng scourge, namamatay agad sa pagsabog ng remote mine, at kulang ang lakas ng magic dust para maubos creeps ng sentinel. dumadami pa ang mga ito. pero nababawasan ng blades ni mortred at ng chain frost ni lich ang mga hero ng sentinel. subalit makulit pa rin ang mga sentinel na pasugod.

squee: wag kayong matakot. pag sumugod sila ng sabay sabay, sabog sila. (tatlong squee ata ang nagsalita dahil sa manta style)

spleen: kaboom.. kaboooommmmmmmmm.. (tanim ng stun, then remote, tapos stun ulit.)

razor: malambot lang ako, pero susubukan ko tumulong.

mirana: wala na ko buhay, takas muna ako. (leap out)

nessaj: sabog na ang tower nila. laban lang. ready sa stun. puputok na stun mine. (nagdilang anghel ang nakamaskarang kabalyero. 6 second stun)

mirana: eto isang elune's arrow bago ako umalis. (tinamaan si viper, 5 second stun)

nessaj: eto na ko!!! (blink strike sabay stun. swerte! 4 sec)

*** pabalik sa laban isa-isa ang mga scourge pero kada balik nila, may pumuputok na remote mine para sa creeps at stun mine para sa heroes.

viper: kulang talaga tayo ng stunner. pero babawi tayo.

*** inuubos na ng sentinel ang lahat ng building sa mid at diderecho na sa frozen throne.

squee: atin na to.. (hingal na hingal at hapong hapo sa laban.)

spleen: ready for suicide (alam niya na hindi na sila mabubuhay. mas magandang mamatay na silang lumalaban. less than 200 na lang ang HP ng goblin na ito.)

*** at paubos na buhay ng frozen throne. pero lumaban pa rin si lich.

lich: chain frost para sayo techies!!!!

*** sabay ang pagsabog ng frozen throne sa pagsabog ni techies dahil sa chain frost. sakripisyong hindi mapapantayan, maipanalo lang ang laban.

{ music } 90.7 Love Radio
{ book } MacArthur by BobOng
{ show } 5th wheel
{ mood } drained


10 ang mga nakialam



July 14, 2007

Vacuous

Written by maxterspade12ph at 06:06 AM.


hindi pa ako nakakapag-reddition ke bro. vic.. sana ma-schedule na yun. pano, hindi pa kami makapag group reddition kasi hindi tumutugma sked namin ni marlo sa kanya. at last time na may scheduled reddition na, ayun, di ako sumipot. nanuod ako ng pelikula.

magb-birthday si [KNP]#2. may [KNP] gathering ulit. patunay na tumatanda kami. sana lang wag kami tumandang paurong. c'mon guys, mangarap naman tayo please.

kumpleto ko transformers ng jollibee. kaso nanakaw na ata yung isa kasi hanggang ngayon hindi pa binabalik sa akin. may barkada pa nga yun na john grisham book. sa monday ko pa ata makukuha.

AA ang stat ko sa account namin. AA=Above Average. enough yun para maging regular. sana naman hehehe. kaso wala akong gana kumain pag lunch break ko sa office. di ko alam kung nagtitipid lang talaga ako o talagang wala akong gana.

kinain din nga pala ng UCPB atm sa loob ng lasalle yung atm card ko last tuesday madaling araw. tae talaga. pano ko wiwithdraw ng sweldo.. antay ako ng monday nito.. 1-2weeks daw yun bago mabalik sakin. follow up ko na lang sa phone.

dahil yung ibang tao nagpost ng new sked nila.. ako rin magpopost. starting august 5. eto na ang sked ko. 

28

 

 

De Leon_024325, Joseph Paulo 

 

11:30 PM-8:30 AM

 

--TWRFY

 

NSI MSTR09

 

so may pasok ako saturday madaling araw at sunday madaling araw. pero libre ako pag sunday night at monday night. kakayanin ko kaya?

kahit na pang 64 ako sa shift bid, medyo nakuha ko pa rin ang oras na gusto ko. kaso, short by 30mins. dapat talaga kasi, 12mn ang start niyan. para pasok pa rin sa special shift allowance. kaso lang, hindi e. pero ok na rin ito. at least mas mataas yung sweldo nito kumpara sa ngayon. and may pre-night life pa na pwedeng puntahan at madaling bigyan ng dahilan para tumakas. so syempre, kailangan maghanap ng mga kaswap pag kinakailangan.

dota boys ng PS, ok naman sked. merong Tier1 session pag sunday tapos meron din Hosting session pag thursday. dami ko na dota teams. at nararamdaman ko ang paglakas ko. ahahaha. wait.... pano na ang buhay corite sa novus?

nag-set na rin kami ng expectations sa isa't isa. kahit lumalabas na kakaiba yung mga gusto namin, at parang hindi sa the usual relationship na alam ko, kailangan mag-adjust talaga. malalaki na tayo, may kanya-kanya na tayong responsibilidad. may kanya-kanyang kinabukasan na dapat na pag-isipan. haaay, minsan naiinggit ako sa iba. pero alam ko naman na minsan din, naiinggit sila sa akin. hindi mo talaga pwedeng makuha ang lahat.

{ music } Gemini
{ show } The Lasallian, season 70 special edition
{ mood } hungry


4 ang mga nakialam



July 24, 2007

kanto ng leon guinto

Written by maxterspade12ph at 04:35 AM.


Kanto ng Leon Guinto

by: Kampeon Ng Pag-ibig

 

Naglilibang ako kasama ang barkada

Hindi inaasahan na darating ka pala

Tinabihan mo ako isang umaga

Halos buong araw tayong magkasama.

 

Nasa kasarapan ng laro at kwentuhan

Sa isang iglap, napansin ko na lang

Mga barkada ko'y nagtatawanan

Kaya't nagbitiw ako ng isang katanungan

 

Chorus:

Ikaw ba ang kumuha ng celphone ko?

Aminin mo na, Tarantado ka! gago!

Alam kong may kasabwat ka! Dalawa kayo!

Tang ina ninyo, ibalik niyo na ang celphone ko.

 

Ikaw ay nawala, akoy' biglang tinakbuhan

Sa kanto ng Leon Guinto umaasang ika'y maabutan

Nagtataka ang lahat, di naman kita kilala

Alam nilang hindi ka naman namin ka-tropa.

(chorus)

(instrumental) 

 

Pati ang tropa ko nagulantang

Tambay, tindero, lahat nagtapang-tapangan

Umaasa na mahabol ka pa

At makuha ang sagot sa katanungan na.....

(Chorus 2x then drop)


2 ang mga nakialam



July 26, 2007

MOA with no pera

Written by maxterspade12ph at 10:09 AM.


ang sarap naman mag MOA. ahaha. pumunta ako dun na walang pera sa bulsa, nanuod ng sine, kumain, at nakauwi.. taxi papunta, taxi pabalik.. at wala ako ginastos. napakabait talaga ng mga kampeon ng pag-ibig. d bale, babawi ako sa kanila.. pwede na siguro ang shawarma.. di ko pa rin naman natitikman yung 4 shawarma for 100 pesos sa taft avenue. masarap daw yun at sulit pa.

kaya nga pala ako napasubo na pumunta sa MOA kasi sabi ni KNP#2 na may ikukwento siya, KNP meeting daw sa Burger Machine. e hindi naman nagkwento at nagkayayaan mag MOA. kainis pero ok lang, libre naman. sarap pa ng bacolod chicken inasal.

ano pinanuod namin? simpson's the movie. masaya yung palabas lalo na nung huli kasi meron kissing scene sa loob ng sinehan. akala siguro nila nag alisan na lahat ng tao pero nandun pa kami. hindi tuloy kami makatayo..

 ayoko din sa movie yung binaril ng walrus yung penguin. kawawa naman yung penguin. huhuhu.

july 26. ateneo-lasalle na naman. time of the year where everyone stops. the last time na nangyari ito e nung sinasabi ni kris aquino na nag-away sila ni joey marquez.

anak ng tipaklong, tulog ako 2pm, ginising ba naman ako ni knp#2. bili daw ako ng ticket sa alumni office. upper A. tapos, dalawa lang nabili niya. guess what kung sino kasama niya manunuod. talagang espesyal si #2 sa amin kasi siya parati ang nanlilibre e.. kaya pinagbibigyan na namin. hehe.

episode2 na.. malapit na kami magbalikan sa RF online. at habang hindi pa bumabalik, dota muna.. magagaling mga taga-peoplesupport. pero hindi ganun kaharot maglaro. seryosohan kasi parati e. teammate options lang. ahaha.

hindi ako nakasama sa retreat ng aspiratns. hindi pa rin ako nakakapag-reddition ke bro.vic. ang hirap talaga mag pa schedule ng meeting sa mga taong busy. talagang hindi nagtutugma ang mga schedules ninyo.

hindi pa rin kami nagkikita ulit ng prinsesa. namimiss ko na siya. hindi man lang makuhang magparamdam. kainis. buti sana kung meron siya iniwan sa akin na something to remember her by like bracelet, necklase or any other accessory. kaso id lang ang meron ako na nakatago pa sa wallet. hindi naman pwedeng laru-laruin sa kamay yun. hindi pa pwedeng nakalabas parati.

so ngayon. di ko pa rin napapanuod harry potter at gusto ko talaga manuod. di ko pa rin nababasa yung book7 kasi tinatamad ako magbasa nun. meron pa ko tinatapos na libro e, unahin ko muna to, nasimulan na e.. hindi ako leaver at hindi ako quitter, ang sinimulan ko ay tatapusin ko kahit na abutin pa ng mahabang panahon. masisira kasi yung kwento e. baka magkaroon ng darby shaw sa book7. ahaha.

animo lasalle


2 ang mga nakialam



July 28, 2007

kill the penguin..

Written by maxterspade12ph at 04:38 AM.


kawawa naman mga penguin..

http://ktown213.com

 

hit the llink.


1 ang mga nakialam



« 2007/06 | 2007/08 »
Ako si JP, ang ikalima sa mga Kampeon Ng Pagibig. Idolo ni JP si Mario Mario. Ang tuberong ginagawa ang lahat para sa Pag-ibig. Isa lang ang hiling ni JP; ang maunawaan ng tao kung paano maging Jesus-like, bago maunawaan ng tao kung paano maging God-like.

tagboard

your name:

url:

your message:

content pages

links

categories

communities

credits

Layout © Up4Grabs
Site powered by Tabulas

Blog owned by maxterspade12ph