drop it
Posted by maxterspade12ph at 05:34 PM on October 9, 2007.
may alam ako.
sinabi ko na sa kanya.
drop it na bro, wag na yun.. iba na lang.
hindi siya karapatdapat
bakit?
hindi mo alam?
iba ba ang sinabi niya sa iyo?
hmmm...
nakakapagtaka.
basta pare wag na..
drop it.
natutulog ba ang diyos?
Posted by maxterspade12ph at 04:47 PM on October 15, 2007.
wala pa akong tulog. meron naman, pero hindi pa maximized. gumising ako ng 1am. masakit ang ulo ko ngayon. pero pag inaantok ako, nagyoyosi na lang ako. then i would still want to stay awake, parang feeling ko, pag natulog ako. matatapos na ang lahat. at kailangan magsimula ulit. hindi sa ayoko matulog. ayoko lang magsimula ulit at kalimutan yung mga bagay na natapos ko na.
pasensya na kris, wala ako sa debut mo. kailangan kasi ako sa meeting namin e. ako kasi ang naghahandle nun at hindi tatakbo ang meeting kung wala ako. tapos, may pasok pa ako sa trabaho. pasensya na pinsan, ako lang ang wala. pero pangako, babawi ako sa magpipinsan. hindi ko lang talaga kayang bitawan yun.
pasensya na belerians, wala din ako sa inuman. hindi kakayanin ng katawan ko. laguna yan e. may pasok pa ako sa trabaho. ahaha. nagaayos ako ng stats ko sa trabaho e. nakakaguilty naman yung bonus na binigay sa akin kung hindi ko susuklian ng magandang trabaho.
naiwan ko nga pala yung susi ko sa sta.mesa . malamang, next week ko pa kukunin. haaaaay.. ngayon, yung susi na gamit ko, nakadikit sa ID ko sa trabaho. ahehehe..
happy birthday din sa aking brother mentor na si bro. vic franco. idol kita. pag ako naging presidente ng la salle school, gusto ko na rin siguro sa benilde. hotel style ang kainan pag birthday mo e.
pero ngayon, aaminin ko, marami pa akong hindi nasisimulan. dahil marami talagang dapat pang ayusin. pero matutulog muna ako. panibagong simula sa kinabukasan. at kahit na marami nang natapos, mas marami pa ang sisimulan... hayaan mo, darating naman ang panahon na bibitawan ko rin lahat sila. kahit hindi pa tapos, oo bibitawan ko sila. pangako ko yun e.
wag lang ngayon.
hindi pa gawa ang alumni card namin at wala pa rin kaming napo-produce na scholar..
wag mo na rin pala isipin yung problema mo. kung pinalulungkot ka lang nun, kalimutan mo na lang.
"And a wave of purifying light shall cleanse the lands of coruption, so that the children of the almighty can sing his praises for all eternity."
Currently feeling: sleepy
being coordinator
Posted by maxterspade12ph at 05:39 AM on October 20, 2007.
bumalik si marlo sa pagiging aspirant. pero wala siyang plano na bumalik sa residency. maganda rin naman yung 2 month break niya as an aspirant, mas masarap siya kasama ngayon at mas na realize niya kung ano ang gusto niya. expected ko nga magkaka girlfriend uli siya kaso, wala .. ahehehe. siguro, na-hassle lang talaga siya sa travel time going to greenhills tapos coordinator pa siya ng aspirants dati. ngayon, ako naman ang coordinator, hindi naman ako naha-hassle. ahaha.
si ace, ayun, pardon brothers daw. tingin niya, siya ang nagkamali doon sa live in program, e siya lang naman itong stricrt. wala naman talagang mali. eto kasing mga participants, late kung dumating, feeling tuloy ng live in coordinator na si ace, hindi sila interesado. haay.. sana hindi siya sobrang perfectionist.. d ba? pag siya naging susunod na coordinator, masasakal mga tao.
si gelo? ahahaha, siya pa nagpapaalala sa akin ng mga dapat gawin. nahihiya na nga ako kasi yung simpleng inquiry niya na kung pwedeng matulog saturday ng gabi sa community, hindi ko pa natatanong ke bro. benildo. pero maganda yung ginagawa niya..
may kamay din kaming lahat. sana lang magamit namin sa tama.
iphone
Posted by maxterspade12ph at 03:03 AM on October 21, 2007.
eto itsura ng aking bagong telepono.. kaso puti ito e.. yung akin, itim tapos may gray lining sa gilid..

kaso, may isang problema sa iphone na ito. ayaw niya tanggapin yung sim card ko na suncel. that means GOODBYE 09224264745 na.. kaya ngayon, meron na ako new number.. globe na ako, 09164935341 na ang aking number.. parang sinasabi ng bago kong telepono na kalimutan ko na raw ang aking mga lumang contacts na hindi naman daw makakatulong sa pag-unlad. although i expect to use this iphone until april or may next year only, hindi naman masamang maka experience ako ng iphone kahit papano. so yung nokia ko na naka-lock sa suncel, iiwan ko na sa sta.mesa.. hindi ko na rin alam kung gagamitin ko pa yun pero as of now, complete switch na muna ako from my old number to my new number.. iwanan na daw ang nakaraan.
natutuwa ako sa aking bagong telepono. meron na akong mp3/mp4 player.. ahaha. tapos, nakakapagcharge pa ako sa harap ng computer dahil naka usb charger na ako.. kaso, level 50 na si promking, hindi na ako magtatagal sa harap ng pc sa arena ngayon. pang dota na lang ulit ako..
hindi ko ma-set yung hecate recall mp3 sa incoming text message tone. nakakainis.. getting ready for LU live pa naman ang purpose ng phone na yun. naka set siya ngayon sa incoming call tone. sana lang madiskubre ko kung pano magawa yun.
salamat kay kofi dahil sa kanya ko nabili tong fone na to. ahahaha. salamat din sa pagturo sa akin kung paano gamitin.
mahina tubig
Posted by maxterspade12ph at 12:14 AM on October 28, 2007.
"vic, pepi .. come here both of you.. if you would be taking a bath between now and tuesday, i suggest you do that in the upper number rooms room 10 or room 11, just put your names on the door. the water pressure here in this side of the community will be low, the showers would not work properly."