8.30pm 11pm 1.20am

Entries for January, 2008

January 9, 2008

17-day special

Written by maxterspade12ph at 03:58 AM.


17 days. no break... we can pull this through.. rawr!!


makialam ka!



January 15, 2008

and so it starts

Written by maxterspade12ph at 08:56 PM.


i survived 17 days straight, no rest day.

now it would definitely start. 7 days of rest.

currently, i am at bacolod. i do not have anything to do.

and i do not have signal. strangely, globe subscribers are having problems on their signals here.


1 ang mga nakialam



January 23, 2008

bacolod 15-18

Written by maxterspade12ph at 08:08 AM.


let me review. what happened.

january 15 - i arrived sa airport. kaso nakakapagtaka. walang signal ang globe. e wala pa naman akong dala na ibang sim. kaya taxi diretso sa lasalle ako. kainis nga e. first time ko lumipad, paglapad ko, walang sasalubong sakin. pagdating ko dun. hindi ko alam san ang brother's house kaya punta ako sa office of the president. buti may tao na marunong mag tagalog. wala raw binilin sa kanya na darating ako kaya wala raw siya mabigay na guest room. e natural, hindi naman ako guest ng school. guest ako ng brothers house kaya hindi niya alam. so pinaakyat ako, sinalubong ako ni bro. dindo and kumain ng socials. masarap ang pagkain. kaso nag-aalala sila mommy daw kasi hindi pa ako nagtetext. ano magagawa ko, hindi rin ako pwede makitext kasi walanag signal mga brothers. globe kasi lahat na mga naiwan.

january 16 - gising ako. d ako sumama sa morning prayers kasi ayoko e. pagod pa ako. pero bumili kagad ako ng sim card na smart para ma txt sila mommy at matxt ibang tao tsaka si yen. and in fairness, nakabili ako ng sim card kahit nagpapanggap lang ako na marnung ako mag ilonggo. anak ng tipaklong. may nagpaload pa nga na kasabay ko na globe. dahil nga walang signal, nagpaload na rin siya ng smart. naghanap rin ako ng kalaro ng dota kaya ayun, nakalaro ako. kasama mga koreano. masaya naman kasi weak sila e. ahaha. kinagabihan, bumisita ako sa bahay pag-asa at nakipaglaro ng table tennis ke mario. magaling siya maglaro. andami kabataan dun, yung iba rapist, yung iba murderer, yung iba petty thieves. pero dahil under age sila, hindi sila pwede maihalo sa mga matatandang kriminal. kaya ginawa ang bahay pag-asa. pero nakakatuwa kasi mas magagalang pa sila kesa sa akin. marunong sila mag greet ng good evening. at marunong sila ngumiti.

january 17 - gising ng maaga. pupunta daw kami sa southern side ng negros. 50 meters to the left, bundok. 50 meters to the right seashore. napakaganda ng negros. pero hindi yun ang primary objective ng paglalakbay. 2pm na nga kami nagtanhalian kasi andami namin pinuntahan. hinanap namin yung mga bahay ng mga nasa bahay pag-asa. sinabihan namin yung mga magulang na wag magalala sa kanilang mga anak. meron pa kaming mga binisita na dating mga taga bahay pag-asa. medyo nahihirapan sila sa buhay ngayon pero masaya naman sila. buti na lang at hindi na sila napapunta sa muntinlupa kahit mabibigat mga kaso nila. andyan yung may asawa na. andyan yung naghahanap ng trabaho. medyo successful naman kahit papano ang bahay pag-asa.

january 18 - fly na papunta ng cebu, 9am ang flight ko. sa bagong airport sa silay ako manggagaling. first flight out ata me. ahaha. sugod na sa sinulog ang drama.


2 ang mga nakialam



January 27, 2008

cebu 18 - 22

Written by maxterspade12ph at 06:18 AM.


review of what heppened.

january 18 - wow. blooming si elaine sa cebu.. and malaki kotse ni nyk. astig pare.. kain sa kfc. daming nurses. andun pa yung  miss cebu ata nila. maganda siya at matangkad. sabi namin sa kanya waddup!! so kumuha na ko ng kwarto kasi ayoko guluhin si nyk at elaine. e na-bore ako nung gabi kasi, walang cable tv. lumabas ako at nagwaldas ng pera. ahaha.

january 19 - sinundo si endey sa airport, nakakita ng nagkakagulo sa tulay kasi may reenactment sila magellan at ang reyna ng cebu. kumain ng almusal sa binugoy. masarap ang pusit. ahaha. tapos diretso na sa vista mar para magbayad ng mahal at mag swimming sa swimming pool. kahit no bringing in of foods from the outside, nagpasok pa rin kami ng chips. patago nga lang na kinakain. and sexy mga kasama ko kasi meron isang grupo dun na masarap kantahan ng binibining seksi. then pagkatapos ng swimming, punta sa room para mag refresh at mag pahinga. then pagdating ng gabi, labas, punta sa lugar na may tugtugan at kumain ng baked scallops. then hubog na kami na umuwi. tulog  at naghanda na para sa sunday sinulog.

january 20 - ayun. nagsimula na ang parada, nasa sasakyan pa ata kami. kumain muna ng barbeque at kanin na nakabalot sa dahon ng saging. puso yata tawag dun. hindi ko alam. pero masarap. napakain kami kasi may kasama kaming tsinelas na ayaw maki cooperate. picture sa sinulog, nuod, sayaw, kain sa fine cuisine at umorder ng crispy pata at sinigang na sugpo (thanks pare) nuod konti sinulog, lakad pauwi, pagod. pumunta sa water front, nag picture at nag withdraw ng pera. nagpunta sa it park at naglakwatssa, nagpapicture ke jollibee, nag coffee bean. bumili ng isaw at blue marlin at squid at barbeque at pagkatapos, umakyat na ng bundok.. nagkwentuhan tungkol kay imaginary boyfriend at sa problema ng mga immature na tao. tumingin sa kabuuan ng cebu sa gabi. nag cr, hubog sa happy horse, tinuloy ang inuman sa kwarto, hubog tulog.

january 21 - tanghali na kami gumising, tanghali na rin umalis pero nakaabot kami sa pupuntahan. mga simbahan at mga santo ang picture-drama. bumili na rin ng pasalubong bago pumunta sa lechon de cebu at kumain ng isang kilong nakakasakit sa batok na litson. nalasing din ata kami sa sebo kaya pag uwi namin, wala na kami nagawa kundi pumikit at matulog.

january 22 - nagpahinga, naglaro ng dota, kumain sa jollibee drive thru. at lumipad pabalik ng maynila. ahaha..

masaya. hubog sa cebu.. kinawboy!!!! waaaadddduuupppp!!!


makialam ka!



January 27, 2008

sniper does not relocate?

Written by maxterspade12ph at 08:00 AM.


enough on waiting. kaya ko lang naman sinabi yun dahil natatakot ako nun panahon na yun. kailangan ko ng fall back ng mga plano ko.

ilan beses mo ako niyaya na samahan ka sa plano mo. tinanggihan ka nang ganun karami rin na beses. dahilan para hindi na tayo mag-usap at magkita pa. kahit ano gawin ko, iba talaga takbo ng buhay mo. magulo, nakakabaliw. hindi ko kakayanin. pero hindi ko pinilit na samahan ka kahit gusto ko. dahil alam ko na mas mahirap, mas nakakabaliw, at mas kailangan ako sa takbo ng buhay ko. pero ito, mas makakaya ko naman.

teka, bakit nga ba ikaw? bakit nga ba sa iyo ako nagbitaw ng ganun na mga salita, mga ganun na pangako. may isa kasing tungkol sa iyo na wala sa iba. at yun ang nakita ko. sigurado ako na hindi mo kakayanin magawa ang pinapagawa ko. kaya sigurado ako na pagdating ng panahon na nakatakda, alam ko hindi ka pa rin handa. at ang plano ko ay magpapatuloy.

pero pasensya na. nakakainis man isipin pero parang ang plano ko ay nag-iiba. hindi ko rin alam kung bakit. natatakot ako dahil hindi ako sigurado kung tama ang mga ginagawa ko. natatakot ako dahil wala pang nagbibigay ng suporta sa desisyon ko. kung meron man, hindi ko nadarama ang suportang sinasabi nila. hindi ko alam kung normal lang na matakot. sabi nga ni sifu kay jubal, normal lang na matakot siya kasi matalino siya, tanga lang ang hindi marunong matakot. sigurado ang susugurin ko, siguradong mahirap, kaya medyo sigurado ako na normal lang matakot. pero bakit yung dadamin na natatakot, hindi ko mapigilan. kapag naiisip ko. parang gusto kong bumitaw na lang.

buti na lang dumikit ka sa plano mo. yung plano mo na hindi tugma sa pinipinta kong larawan. buti na lang may isang tao na kahit na anong sabihin ng iba, gagawin pa rin niya ang gusto niya gawin. masaya ako para sa iyo. napangiti mo ako. alam mong kaibigan pa rin kita. kaibigan ka pa rin namin. hindi mawawala yun. pakaingatan mo lang ang sarili mo. at wag ka sanang tumulad sa mga nakakatanda sa iyo na basta na lang nang-iwan sa mga nagmamahal sa kanya. alam ko ayaw mo nun, kaya sana wag mo magawa pag ikaw na ang nasa posisyon.

ang buhay na sinusunod ko ngayon ay naka-ayon sa planong nakalapat na. pero ngayon lang ulit ako bibitaw sa plano. isang mabigat na desisyon para sa akin. wala ka na sa mga pinagpipilian, at alam ko naiintindihan mo. sinusuportahan kita sa desisyon mo... sana lang suportahan mo rin ako.

at kung ayaw ko na, sana nandiyan ka pa rin para sumuporta.


5 ang mga nakialam



« 2007/12 | 2008/02 »
Ako si JP, ang ikalima sa mga Kampeon Ng Pagibig. Idolo ni JP si Mario Mario. Ang tuberong ginagawa ang lahat para sa Pag-ibig. Isa lang ang hiling ni JP; ang maunawaan ng tao kung paano maging Jesus-like, bago maunawaan ng tao kung paano maging God-like.

tagboard

your name:

url:

your message:

content pages

links

categories

communities

credits

Layout © Up4Grabs
Site powered by Tabulas

Blog owned by maxterspade12ph