Entries for February, 2008
Written by maxterspade12ph at 05:01 PM.
nagising ako. tumingin ako sa salamin. bukod sa usual na nakikita ko, may isa pa ko napansin. sobrang pula ng left eye ko. as in mapula. hindi naman dumudugo. ayun, feeling ko male-late ako dahil sa kaka examine ko sa mata ko.. pero dahil medyo maliksi naman ako kumilos, ok lang. hindi ako na late. so nag trabaho ako ng mga isang oras tapos nagpunta sa clinic sa 1st break ko. binigyan ako ng license to log out then pinapunta sa makati med para magpatingin. ayun, nagreseta sa akin yung gwapo na doktor na kaliwete ng eye drops.
so hanggang ngayon, kumakati pa rin mata ko. feeling ko talaga namamaga siya. hindi ako pumasok ng dalawang araw dahil un ang sabi ng doktor. nagpunta ako sa optalmologist, 3-5 days daw na pahinga. kung kaya ko daw pumasok ng sunday, ok lang daw, pero risk daw yun. kaya itatanong ko pa sa sup ko kung ite take niya yung risk. a bahala na.. basta sabi ng doktor, always wash your hands at wag hahawak sa mata. e tempting naman talaga humawak sa mata kasi sobrang kati e.
sige, sana makabalik na me. sabi ng doktor, kung mapula pa raw ng monday, see him daw. kaya yun ang gagawin ko.
Written by maxterspade12ph at 02:46 AM.
ansakit minsan. parang may sugat. pano kasi, hindi umaayos ng pagkakalagay, yan tuloy, nagagasgasan.
hindi naman talaga dapat pumapasok sa mga bagay na wala naman sa plano. hindi ito nakakatulong sa akin. pero gusto ko. a ewan.. sabi nga nila "confused." ahehehe
hindi kami makapag sked ng session. pano kasi, marmaing ibang ginagawa. so kanya-kanyang sugod, kanya-kanyang tulog. sana makapag set kami ng maayos na sked.
cancelled ibang lakad, that means pwede gumawa ng lakad dahil free na ang araw na iyon. special pa naman kasi birthday ni number1.
GRADUATE NA SI FATS!!.. nagtataka lang ako kasi meron isang tao, matalino naman siya, mayaman naman, pero ayaw pa rin niya grumaduate. may inaantay ata.
malapit na valentines day. yung love letter ko, hindi ko pa nasusulat. although meron na siyang outline and format, tinatamad ako buoin. actually, natatakot ako na isulat siya kasi hindi ko alam kung kaya ko patunayan sa lahat yung laman nun sulat. deadline na nun feb.14.. walang problema kung wala akong isusulat. kaso required magsulat ng love letter.
hassle, alam mo kung ano totoo, handa kang isawalat ang totoo, kaso yung iba ayaw umamin.
"Mga Jedi tayo huwag tayong mahulog sa dark side. Magiging Darth Vader tayo ng mga tao natin. Sabi ko - let's stay on the good side para maging master Jedi tayo ng marami pa." - Rodolfo "Jun" Lozada
Written by maxterspade12ph at 12:47 AM.
so ayun na.. nagpasa na ako. and the stars are aligning. mukhang may pinapasabi ang panginoon.
tatlong araw ako naghahanap ng GC ng spa para sa birthday ng mom ko. e dahil nga marami din ibang kailangan asikasuhin, ayun. day itself ko na nakuha. lakad ako sa gitna ng rally para lang makuha yun.
tapos, nakasalubong ko pa si kitt castillo, ex-aspirant siya na ngayon nanghihingi ng limos para sa children's hour. then by next month siguro, HP na siya. so kumustahan at balitaan. mukhang pangitain ito.
yung gitara mo, hindi ko pa nabibili. mahal kasi e. next time na lang siguro. kapag payag ka na gumastos tayo para dun. basta tutugtugan mo ako. ahehe.
alam mo pare, ok lang naman yung diskarte mo e. focus ka lang dapat. at tsaka pag-aaral muna sana atupagin mo. ikaw na lang naiwan sa school e.
ok ka naman pala e. pero hindi ko pa rin babawiin ang nasabi ko na. alam mo naman siguro yun. hindi naman sa hindi kita gusto. hindi ko lang ayaw sa iyo.
guys, pasensya na. iba kasi schedule ko ngayon e. tsaka may pinagkakaabalahan talaga ako dito. sana naiintindihan ninyo kung bakit hindi ko nagagawa ng maayos ang trabaho. pero we will bounce back. promise.
Written by maxterspade12ph at 01:21 AM.
bakit ba? ano ba nakita mo sa kanya?
pag ako kasi tatanungin, kung ano ang kakaiba nung sa akin, masasabi ko na matalino siya.
meron siyang sense kausap..
ikaw, ano meron dun sa iyo?
alam mo suportado ka naman ng lahat ng nandito. gaya ng suporta na binigay namin sa iyo nung huling taon.
alam mo pinaka magandang solusyon?
medyo toyo ito pero maganda.
nahihirapan ka gumawa ng desisyon kasi malaki yang bagay na yan.
at ikaw lang ang nagdedesisyon.
magpakasal ka kaya..
para dalawa na kayong gumagawa ng desisyon.
basta suportado ka namin sa desisyon mo..
****************************************************
gusto ko nga pala siya kasama mo sa debut ko,
next year pa yun.
challenge ba yun diko?
Written by maxterspade12ph at 05:22 AM.
tayo na sa antipolo... tapos, wag umuwi ng bahay ng tatlong araw... ahaha..
pumasok ako ng trabaho ng tuesday. so bale monday pa lang wala na ako sa bahay... pagkatapos sa work. diretso sa antipolo.. meron palang FX from makati papunta sa antipolo junction. 40 pesos lang. mabilis pa ang takbo ng sasakyan. magaling magmaneho yung driver e. sarap matulog pero mas masarap mag picture ng tao na natutulog. nagpapatugtog nga ako sa sasakyan, mga 7-8 songs din yung buong biyahe.
pagdating sa antipolo, nagshopping kami sa bayan. ako, si kurtz, si cherie gail at si wrancel.. shopwise. ahaha. Php2001.44.. pero sulit kasi masarap kumain e. inihaw na isda, liempo, chicken, itlog na maalat, mangga, patatas, keso, dami sobra... sarap ng kain...
bago pumunta sa lugar, nagluto muna ng afritada na may keso. nagluto din ng masarap na side dish - togue. medyo natagalan at umaangal na yung mga nauna sa lugar.. halos 2 hours daw sila nag-antay dun. marami na raw sila napag-usapan. malay ko ba kung ano napag-usapan nila. basta ako, gutom na ako nun. hindi ako nakuntento sa patikim tikim na ginawa ko habang nagluluto. kailangan ko na kumain..
fiesta sa kubo ang nangyari. habulan muna, kulitan, settle down tapos kain. diretso inom kwentuhan. habang nagseset ng goals, nagsiskip pa si master demet ng inom. dinadaya kami.. ahaha. generoso, here we go.. coke sa generoso.. wala na nga atang picture picture na nangyari.
wala pang dinner, slammer na kagad. tikila sa isprayt!.. pwede na yan spelling na yan, lasing na e.. meron din ensaladang mangga na masarap. may kamatis, bagoong, sibuyas.. meron tilapia na hindi na ata nakain kasi busog na lahat. ayun, sinusugod ng pusa.. meron ding mga neneng na maingay sa gabi. naghuhubad pa sa harap ni kurtz, mas maliliit naman boobs nila kumpara sa manboobs ni kurtz.
masarap mag swimming kasi mas mainit yung tubig kumpara sa hangin. maganda din yung lugar, maraming halaman pero hindi masukal. andaming palaruan kahit sarado... tapos marami talagang design at mga pool. hindi ko na nga alam yung pangalan nung lugar e. loriland ata yun. hindi ko alam spelling kasi lasing na me.. basta ang alam ko, dinadayo daw siya pag summer.. at nasa antipolo siya.
masaya sobra mag team building .. pangalawang labas ko na ito this week kasi nag birthday si kalvin nung sabado last week e. may pangatlo pa sa jean's listers meets dipitidoers. kaso sabay sa dota kaya dota muna bago mag team building..
Written by maxterspade12ph at 12:29 AM.

