sandwich day.
Posted by maxterspade12ph at 02:28 AM on March 6, 2008.
dahil sa dalawang wednesday na kinuha ko kay lenie alvarez, eto. meron akong thursday sandwich day. medyo bangag pa nga ako e. 1 day lang ako papasok tapos rest day na ulit friday - saturday.
papasok na ang DST (daylight saving time).. aatras ang oras ng america.. isang oras nang pag-atras. nagtitipid daw sila ng daylight. kaya eto, aatras nang isang oras ang pasok namin. hindi na kami 12mn-9am... 11pm - 8am na kami. at ang pagbabago na yan ay nagkakahalaga nang P1,200.. Oo, may katumbas na pera yan, mababawasan ang sweldo namin ng ganyan kalaki. mawawalan kami ng special shift allowance na binibigay lang sa mga tao na pumapasok o lumalabas between 12mn-5am. kasi, sa oras daw na ito lumalabas ang mga tikbalang, mananaggal at mga kapre.
sa sandwich day na ito, nagpatawag ng knp meeting ang aming si No.1.. ayun, tungkol kay No.2 ang agenda dahil cherfer na naman siya. at syempre, stick with the plan kami. kung may mapapahamak, si No.2 lang. pero susuporta pa rin kami sa gusto niyang kapahamakan. kahit na ang kapahamakan niya ay kawalan ng isang street fighter-sumo wrestler para sa amin, ok lang... ayun, inom konti kami. muntik na ako ma late pero dahil meron akong guardian angel, hindi ako na-late. ahahaha
sa sandwich day na to, naka schedule din ito na maging DOTA day. kaso mukhang hindi ko kakayanin kasi tiyak, aantukin ako.
ayoko talaga ng mga sandwich day. kung pwede lang, absent na lang ako sa sandwich day. e kaso, kakabitaw lang ng verbal warning (na nakasulat) tungkol sa schedule adherence sa akin. nakakahiya naman kung hindi ko papasukan ang oras na dapat nasa opisina ako.
syempre may dahilan na ako para hindi tumuloy. susuportahan pa rin ba ninyo ako?
pldt
Posted by maxterspade12ph at 01:20 AM on March 9, 2008.
"hindi po kami tumatawid ng kalsada kapag hindi kami sigurado na walang dumadaan na sasakyan."
taal vista lodge?
Posted by maxterspade12ph at 06:26 AM on March 15, 2008.
"sakayan pa tagaytay ba? meron dumadaan dito.. teka.. ayun!! yung kulay green na bus. sakay na kayo habang red light pa."

last third saturday
Posted by maxterspade12ph at 05:06 AM on March 20, 2008.
tatlong taon na ang nakakaraan. naaalala ko pa non. isang sabado sa buwan ng marso. ikatlong sabado rin ata yun. bumisita lang ako sa 4th floor ng LS building. inimbitahan kasi ako na pumunta dahil may recollection daw. pag akyat ko, dalawa lang kami sa recollection. ang nagpatakbo pa ng reco, si brother kenneth. at tungkol sa prodigal son story ang recollection niya. maganda ang idea, maganda ang pasok at maganda ang leading questions. mapapaisip ka talaga tungkol sa sarili mo at kung paano ka makitungo.
so yung nagimbita sa akin na pumunta dun, wala naman dun. bwisit nga e. pero na-make sure niya na pwede ako kumain at makitulog doon. kaya yun ang ginawa ko. sabado yun pero meron silang anticipated mass. e kinabukasan, linggo ng palaspas. kaya ayun, nakipalaspas na ako. at hindi ko na kailangan magsimba pa kinabukasan.
yun ang araw na pumirma ako sa pagiging aspirant. ako ang naging pinakabata na aspirant nun pagdating ng summer retreat. papasok na si sockie sa postulancy nun. tahimik pa ako nun kasi baguhan lang sa grupo. makukulit sila tapos ako, minsan lang kung mangulit. yun ngang pinag uusapan nila, hind ko pa maintindihan kasi wala pa ako sa sitwasyon para maintindihan yun. pero ok lang sa akin, pinapakain naman nila ako e.
tatlong taon pagkatapos nun, naroon na naman ako sa parehong kwarto. palaspasan na naman. sa pagkakataon ngayon, ako na ang nagsasalita at ako na ang nagsasabi kung ano ang gagawin. huling meeting ko na sa library ng 4th floor LS building. hindi na mauulit ito. ipinasa ko na ang responsibilidad sa isa pang kasama.
sigurado ako na hindi na ako aspirant pagdating ng susunod na school year. hindi na ako aakyat at makikikain o makikiinom man lang doon.. hindi ko na siya matatawag na bahay. mababawasan ako ng isang lugar na matatakbuhan at mapagtataguan. pero ganoon talaga, nagkakaroon talaga ng katapusan ang mga bagay na mayroong simula. at kadalasan, kung saan nagsimula, dun rin magtatapos.
e ngayon, ano na? nagsisimula na ako sa pagbalik sa sta.mesa. hindi ko alam kung ano na ang kasunod. basta uuwi na muna ako sa sta.mesa. basta basta..
isang gabi lang
Posted by maxterspade12ph at 04:31 AM on March 23, 2008.
umuwi ulit ako sa dati kong inuuwian na bahay. ang sarap umuwi.
natulog ulit ako sa dating kama ko. masarap matulog.
naglaro ulit ako sa dating computer na pinaglalaruan ko. ang sarap maglaro.
kumain ulit ako sa dati kong pwesto sa hapag kainan. ang sarap kumain.
umalis ulit ako sa dati kong bahay. ang sarap umalis.
Currently feeling: anxious