Entries for June, 2008
Written by maxterspade12ph at 09:57 PM. Filed under Magic.
kapag meron nang mga pinagtatalunan, maraming sinasabi, kinokontra, (mga nilalagay sa stack) - kadalasan, isa lang ang solusyon.. ang pagtahimik. dahil kung ikaw ay tatahimik, saka mo lang mapakikinggan ang sinasabi ng iyong kausap.
The stench of bloodcap mushrooms on the breath is enough to ward off even the most potent magics, especially when combined with a special chant: "Hushhh."
Written by maxterspade12ph at 10:40 PM. Filed under Personal Development.
nag outreach kami.. maraming nangyari, pero sa isang aspect lang ako mag po-pokus kasi yun ang trip ko..
si warleigh, nung gumagawa ako ng mga name tag / stickers, ayaw pa niya magpagawa.. gusto niya siya raw ang gagawa. at dahil host daw siya na guwapo. instead of the usual KUYA WARLI and dapat isulat sa name tag niya, meron pa siyang pinaiksing opening spiel. "Hi I'm Warleigh, ready to assist you" ata yun. basta, ang alam ko hindi yun mabasa ng mga bata kasi hindi nila masabi pangalan ng host e.
magaling si warleigh maghost. magaling kung sa magaling. kasi magaling naman talaga. may mga out of nowhere siyang punchline tungkol sa 3 minutes of fame ni ben joseph at sa kakaibang pangalan ni friendship. kakaiba din siya magpalaro ng hep hep herray niya, pero epektibo at mas nakakagulo yung in house version niya na yun.
si warleigh din yung tumayong taga plano, taga remind, taga plano ulit, at taga sira ng pinlano niya. kapag merong hindi nakasunod sa plano, kukunot na yung noo niya tsaka sasabihin niya na hassle na daw. tapos, siya na rin ang magpaplano ulit. lahat ng desisyon, bago ma finalize, kailangan muna dumaan sa kanya ( at syempre sa iba pang nakatataas) bago ma-aprubahan. wala atang nangyari doon sa outreach na hindi alam nitong si warleigh.
siya ang nauuna sa paliligo sa banyo, sa pag inom ng alak, sa pag shoot ng basketball at sa pag sakay sa van. parang dito niya binubuhos ang kanyang "take the lead" attitude kasi sa trabaho, kahit na qualified siya, ayaw niya umalis sa kinalalagyan niya ngayon. dito ko lang din siya nakita na nakapantalon.
sa susunod na taon ba siya pa rin ang emcee? sa susunod na taon ba, mas marami pang bata ang mapapasaya ni warleigh? sa susunod na taon ba, iba na ang laro o hep hep herray pa rin ba? hindi ko alam, basta natuwa ako na si warleigh ang kasama. sana sa susunod, andyan pa rin siya.
** kuya jaypee.
Written by maxterspade12ph at 08:05 PM.
LLM then SSS..
mahirap pala maglaro ng draft.. kailangan, magaling ka gumawa ng deck. kahit hindi ka swerte, basta alam mo magcombo-combo mananalo ka.. at syempre, dapat wala kang awa sa paglalaro. patay kung patay. sugod kung sugod. yan ang parati kong maling ginagawa. malumanay ako maglaro e. kaya hindi ako nananalo.
pero masaya mag draft. makakakuha ka talaga ng cards na kailangan mo lang. o kaya naman, makakakuha ka ng cards na pambenta lang. yung unang set nga ng draft ko, rogue deck binuo ko. syempre maliliit na creatures lang kaya hindi manalo kapag may dumating na higanteng creture ang kalaban. pero kumuha ako ng pambenta and yun, automatic 250 pesos kagad sa cards na hindi ko naman ginamit. dalawang cards lang yun. enjoy pa ang laro ko.
then yung next set na SSS. ang hirap galawin. walang magandang cards na pambenta. hindi rin ganun ka astig yung binuo ko na deck. talagang kumuha lang ako ng cards. pero enjoy naman talaga kasi na experience ko ang draft na laro.
kapag may susunod na pagkakataon, sige susubukan ko. pero ngayon, stop na muna..
Written by maxterspade12ph at 10:40 PM.
nanuod kami ni hon ng wanted. yun yung pelikula na maraming assasin na marunong magpa-curve ng bala. akala ko dati pinoy movie lang ang nakakagawa nun, tapos pana at palaso pa ang ginagamit niya, posible din daw pala yun sa baril.
may mga tanong lang ako na hindi alam sagutin nung katabi namin sa sinehan kaya itatanong ko na lang sa blog ko.
1. pano kung sinungaling talaga si sloan. alam na niya ang setup. talagang siya lang ang tinarget ng fate>? edi tukmol pala si fox nung pinatay niya ang buong fraternity.
2. sino yung tumalon from building to building nun simula? hindi naman pala tatay ni wesley gibson yun. tsaka bat siya pinatay ng tatay ni wesley gibson? ano reason?
3. bat nakangiti si geek boy nun dulo? may nakatutok na baril sa ulo niya di ba? tanga ba siya o sintu-sinto lang?
4 bat kung nakaupo ka sa sofa mo, dalawang scope lang ang kailangan mo, kaya mo na patayin gamit ang super gandang rifle ang kahit na sinong makaapak sa X mark? at para saan yung pangalawang scope?
5. bakit may mga tao talagang sadyang madaldal? hindi nila maitikom ang bibig sa sinehan. big screen na nga, kinukwento pa nila ang nangyayari. sa greenbelt 3 pa ito ha..