Passage Matthew 13
Posted by maxterspade12ph at 08:09 PM on July 26, 2008.
Matthew 13: 1-9
THAT SAME day Jesus went out of the house and was sitting beside the sea.
But such great crowds gathered about Him that He got into a boat and remained sitting there, while all the throng stood on the shore.
And He told them many things in parables (stories by way of illustration and comparison), saying, A sower went out to sow.
And as he sowed, some seeds fell by the roadside, and the birds came and ate them up.
Other seeds fell on rocky ground, where they had not much soil; and at once they sprang up, because they had no depth of soil.
But when the sun rose, they were scorched, and because they had no root, they dried up and withered away.
Other seeds fell among thorns, and the thorns grew up and choked them out.
Other seeds fell on good soil, and yielded grain--some a hundred times as much as was sown, some sixty times as much, and some thirty.
He who has ears, let him be listening and let him consider and perceive and comprehend by hearing.
- kasama ko si jarkys sa Forbes Park Church nun narinig namin ang Gospel na ito. Sunday yun. inaantok na kami pero pinipilit pa rin namin makinig. galing kasi kami sa shift sa trabaho. Nung pagkatapos ng Gospel, nagsimula na mag homily yung pari na mahilig kantahin ang misa. matalino siya, pero hindi gaano maintindihan ang salita niya. siguro dahil sa sound system o sa tono ng boses o sa paraan ng kanyang pagsasalita, hindi ko talaga alam kung bakit ganun, kaya nanghuhuli na lang ako ng keywords. kagaya ng ginagawa ko kapag medyo inaudible ang kausap ko sa telepono.
- may mga nasabi si father tungkol sa ibang interpretasyon ng Gospel na ito. sa same chapter kasi nito, inexplain daw ni Jesus na ang seed na tinutukoy ay ang Word of God daw. so kadalasan, sa pag explain ng chapter na ito, ganun na lang ang pagpapaliwanag, wala nang iba.
- kung ako naman ang magpapaliwanag nito, iibahin ko. ang tinutukoy na seed dito ay ang produktong binebenta nating mga nagtatrabaho. at ang produktong ito ay kailangan natin na ialok sa kahit na sino. kahit alam natin na hindi nila ito bibilhin. kasi malay mo, baka sa susunod na pagkakataon, kailanganin na nila.
- para kay Jesus, ang SOWER na tinutukoy sa kwento ay ang propeta. para sa akin, ang SOWER na tinutukoy ay ang tindero. kapag naglalakad ako sa SM Megamall at napadaan ako sa Comic Alley, kaliwa't kanan na "Hi mam/ hi sir Welcome to Comic Alley!" ang naririnig ko galing sa mga tindera doon. At sa aking paglabas, kaliwa't kanan din ang "Thank you for coming mam/sir. Please come again." Hindi lahat ng tao na pumapasok ay mukhang bibili. Hindi rin lahat ng tao ay talagang bumibili. Pero lahat ng tao na kahit mapadaan lang, binabati ng mga tindero sa Comic Alley. Oo minsan nakakainis, pero ganun talaga. Kailangan ihayag ang mabuting balita sa lahat, at hindi sa kakaunti lang.
_ May mga pilosopong magsasabi na sa pagtatanim ng palay, katangahan ang magtanim ka sa buhangin o kaya ay sa kalsada. kailangan mong piliin kung saan ka magtatanim para ma-maximize mo ang bawat raw material na gagastusin mo. Oo, kailangan mong maging mapili. Pero para sa tunay na halaman yun. At hindi sa mabuting balita at hindi sa produktong binebenta mo.
- Ano ang ibig kong sabihin dito, bat naman ako nagaaksaya ng oras sa topic na ito. Aba syempre, dapat kong i-stress ito dahil sa isang mahalagang salita na parte na ng buhay namin sa trabaho. ito ang salitang UPSELL. Dapat mag-upsell. kahit alam mong buhangin ang kausap mo. Kahit minsan e kalsada ang kausap mo o di kaya naman ay bato. Hindi ka lang magbebenta sa Good Soil. Hindi yan ang tinuturo sa Bibliya na pinaniniwalaan mo.
- Kaya ako na ang magsasabi sa iyo, kasalanan ang hindi mag-UPSELL. mabubulok ka lang sa impiyerno.. Tandaan mo, hindi choosy si Jesus sa kanyang ina-UPSELLan..
(this post is a personal post, can be used for and/or against the author. can be a subject of excommunication and/or canonization.)
(discuss this post here)
makialam ka!



