10.05am 1.30pm 3.30pm

We do not stop playing games because we get old. We get old because we stop playing games.

Kampeon Ng Pag-ibig

promking

Pardon shall only be granted to those who repent, truly, in their hearts.

WARNING: Those who seek shall find.. If you do not want to find something, please lang... DO NOT DARE TO SEEK...


your name:

url:

your message:



Communities

Categories

My Links:









SPONGE COLA lyrics



Triplejack Poker

August 15th, 2008

Ayala Mall Cinemas

Posted by maxterspade12ph at 11:52 PM on August 15, 2008.

minsang nanuod kami ng sine sa glorietta, meron dun raffle raffle chu-chu. hindi ko alam kung ano ang mapapanalunan pero hindi ito hadlang para hindi sumali. kasi naman, ibibigay sayo ang raffle stub pagkatapos mo bumili ng ticket. all you got to do is write your name, address, phone number and drop it in the drop box. kung wala ka ballpen, nanduon na sa drop box yung nakatali na ballpen na Panda pa ang tatak. malapit sa customer service table para hindi madaling manakaw.

Sa ugali na nakuha ko sa nanay ko, basta meron nang raffle stub, sali na. wala nang echos echos. tutal 30mins pa naman bago mag start ang movie at pupunta pa sa CR si yen, take the chance na ito para maka lapit sa drop box, sulat ng pangalan at customer info at drop ng papel sa drop box. kung hindi nag CR si yen, malamang hindi ko nagawa ang napaka-importanteng gawain na iyon sa buhay ko. aksaya yon ng oras para sa iba. pero para sa akin, opportunity iyon para kumita ng "in-kind" na walang ginagawa. Passive income yun sabi ni Robert Kiyosaki.

After about a month or two, nakatanggap ako ng sulat galing sa Ayala Malls. Hanapin ko raw si Barbie sa 5th floor Ayala Center para kunin ang aking Php 1,000 GC from Timezone. Nabunot daw ang pangalan ko. Aba, kung yung pag-CR pala ni yen ay pagtaya ng lotto 6/49 ang ginawa ko, edi sana milyun-milyon ang napanalunan ko. Nagsisisi pa tuloy ako ngayon.

Daddy ko ang nag-abot ng sulat sa akin. Akala ko pasalubong sa amin dahil galing sila nila mommy at lola sa Bulacan. Nag attend ng fiesta doon. E dahil ako at si Yen ang taong bahay. Akala namin natanggap ako na mascot ng Ayala malls. Nagtaka kami kasi hindi ko naman natandaan na nag-apply ako dun. Nang mabasa namin ang sulat, na-kantyawan tuloy ako ng daddy ko. Sabi niya, since panalo daw ako ng isang libo pa cheeseburger daw ako. sabi ko pag naka withdraw na ibibili ko sila ng buy1 take1 cheeseburger ng Burger Machine sa may 3rd St.

Maraming Salamat sa Ayala Mall Cinemas. Basta andyan ang ballpen at laging handa, hindi ako magaatubiling magsulat ng pangalan ko sa Raffle Coupons para sa susunod, mananalo ako ng isang spot sa glorietta 2.

4 ang mga nakialam

Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website:



Comment posted on August 16th, 2008 at 11:38 PM
tapos meron p pla isa pero im still getting some stuff right pro patingin n rin hehe maraming maraming salamat ... ^_^
paki post n lng po sa comment sakin pag ok n po.. wak po mag alala you will be creditted most maraming maraming salamat po... ^_^
Comment posted on August 18th, 2008 at 08:34 PM
dinelete ko po yung dalawang set of scripts.

napansin ko, hindi para sa tabulas yun. mahirap ayusin.. hanap ka na lang ng script na pang tabulas.
Comment posted on August 16th, 2008 at 05:04 AM
wehehe.malas ako pagdating sa mga raffle na yan.
Comment posted on August 16th, 2008 at 12:01 AM
ay tanga dapat lotto tinayaan mo pare...

Site powered by Tabulas.