Entries for October, 2008
Written by maxterspade12ph at 08:26 PM.
hay sa wakas.. nakapag blog rin ako.. tekaa, tignan muna natin yung mga maraming bagay na hindi ko pa naiba-blog.
unang una, magkakapamangkin na ako. buntis yung gf ni kuya do na si joan. due date is march ata.. so inaayos nila yung kasal, tentative schedule is nov.7.. nung binalita nga sa bulacan, akala nila ako yung nakabuntis.. nagulat sila na si kuya do pa yun nauna. so eto ako ngayon, nag-iisip ng magagawa para sa 25th anniversary nila mommy. this coming december 18 na yun. ano ba yan, kahit na anong pagpaplano gusto kong gawin, wala akong ma execute. somebody help please!!.
nagbakasyon ako sa misamis. invited kasi ako sa birthday ng papa ni glorien e. so mga 10 days kami wala sa manila. buti magaling ang sup ko na si ian para mabigyan ako ng isang napakaimposibleng vacation. sira ang stats ko, ang stats ng team, feeling ko galit sila sa akin dahil doon, guys pasensya na talaga. hayaan ninyo sa susunod isasama ko na kayo. you can access the pictures dito .
parating na ang pasko, gusto ko magka credit card. gusto ko din magtrabaho sa ibang bansa. siguro singapore. ayoko na sa dubai kasi medyo naghihigpit ata sila doon. 1 month lang ang validity ng visit visa tapos yung ibang mga pinoy, stranded sa oman, hindi makabalik sa dubai para magtrabaho. nakakaawa talaga. pero syempre, gusto ko muna makuha nang buo ang 13th month pay ko. first time ko makuha ng buo yun. ahehe.
buhay ko ngayon? wala pang big news. wala pang big leap ahead. crusin lang muna. crazy kart, trabaho, uwi, tulog, kain, byahe, dota, mall, sine, bili damit, laro magic cards, fantasy NBA, tsismis konti, date, mga ganun lang. sige sa susunod na lang mga pare ko.. kita kits tayo soon..
Written by maxterspade12ph at 10:40 PM.
wala naman pinag-iba gaano.. point out lang natin ang HUGE DIFFERENCES..
1. allowance at sweldo.. pag school boy ka, allowance ang binibigay sa iyo. iniaabot ito ever morning (in some cases, weekly) pag office boy ka, sweldo ang binibigay. ito ay kinsenas at katapusan (minsan pwede din weekly)
2. oras ng pasok.. 7am papasok ang schoolboy. put na siya ng 3-4pm... 8am-9am ang office boy. mabilis pa sa alas kwatro ang labas ng school boy.
gusto ko maging school boy ulit.. feeling ko lang gusto ko. ahehe..
next few days, office boy na ako. kahit sa call center pa rin trabaho ko, di na ko pang-gabi. kelan kaya ako magiging school boy?