8.30pm 11pm 1.20am

Entries for November, 2008

November 2, 2008

sa ibabaw ng lupa.

Written by maxterspade12ph at 12:33 AM.


marami na ulit kami sa bataan st. dati itong bahay ng pamilya ng lola ko. ngayon, nakapangalan na ito sa lolo ko na namatay na. isa siyang judge na sa talino at galing, prinsipyo ang paiiralin. hindi ko alam kung anong hokus pokus ang nagawa niya para mailagay sa kanyang pangalan ang bahay sa sta.mesa. basta ang alam ko, legacy nya ang bumubuhay dito hanggang ngayon.

noong isang taon, hindi ako nakatira sa bahay. plano ko kasi dati na maging religious kaya sa brother's community ako nakatira. dun ko masasabing halos iwan ko na ang sta.mesa. pero ngayon, nag-iba ang plano. hindi ko alam kung ano ang saktong dahilan pero basta alam ko hindi ako para doon. yun siguro ang sabi sa akin ng lolo ko. hindi ko kasi ata siya nadalaw noong isang taon.

ngayon, dahil sa trabaho at sa iba pang mga dahilan, hindi ko rin siya mapupuntahan. yung isa kong lolo, napuntahan ko na. ganun din ang pamilya ng lola ko sa sta.mesa, ang tunay na may-ari ng bahay sa bataan st. pero sa lolo peping ko (dito ko ata nakuha ang nickname ko na pepi) hindi ako makakapunta. kaya't aalalahanin ko na lang siya sa pamamagitan ng blog ko.

lolo, natatandaan mo. dahil sa'yo nakatapos ako. sabi ng tatay ko, hindi niya ako kaya paaralin kung siya lang. kaya dahil sa tulong mo at sa mga tito - tita ko, lalo na kay tita nena ko, nakatapos ako. natatandaan ko pa nung hapon ng graduation ko, walang celebration na nangyari. dumiretso kami sa puntod mo.. sa dahilan na anniversary iyon ng pagkamatay mo. grabe ka lolo. patay ka na, nababayaran mo pa rin ang tuition ko. ewan ko tuloy kung sino ang kumuha ng folded (fake) diploma na iniwan ko sa puntod mo.

sige na lolo, kung namimiss mo kami, sa opisina ka na lang magpunta. wag sa bahay. andun yun asawa ng kuya ko, buntis yun. baka mapaanak nang di oras. sabi nga pala ni lola nung niyaya ko siya pumunta sa sementeryo, di raw siya makakapunta. inuubo nga siya umikot lang sa bataan st. kung magpaparamdam ka, wag lang bigla. baka magulat e.


2 ang mga nakialam



November 10, 2008

sat - sun rest day.

Written by maxterspade12ph at 01:23 PM.


ano ba to? first genuine sat-sun restday.. hindi ko alam kung sa gabi o sa umaga ako matutulog.. pero basta dapat kapag natulog, lahat tulog. kapag gising, dapat lahat gising.

ano na ba nangyayari? si Harvey Roca a.k.a [KNP]master wong, lumipad na papuntang Dubai. 1 year daw siya dun. magwe-waiter daw. sisikapin niya na mabuhay dun na ang ginagastos ay yung pan-tip lang sa kanya. yung sweldo, direcho ipon at pag-uwi ng pinas, saka na iisip ng gagastusin. yung sister niya na si Jek-jek lang ang maiiwan sa Pinas. Kasama kasi niya si Kuya Reggie niya dun para dalawa silang magtatrabaho. at dahil doon. isang despedida sa sizzling stop sa may Pasay rd ang ginanap. masaya nga e, kaso wala sa akin mga pics. nandun ata kay smikai.. edit post ko na lang to pag nakakuha na ako.

so ayun.. audition, (not in the position to say the results) then konting tambay sa mall, uwi, nuod ng wildboyz tsaka achmed . tapos meron bago ngayon, One Outs.. tungkol siya sa baseball at sa isang pitcher na di naman kalakasan bumato pero magaling sa mind games. syempre meron din mga pampakulay ng buhay after magsimba pero ok naman.

pasensya na sobra, minsan talaga palpak-palpak ako..

so pano? andami nangyayari pero wala man lang pictures. yan talaga problem pag wala kang digicam. di bale, wait til next time, makakabili rin ako..


makialam ka!



November 14, 2008

WindHopPer 3:28

Written by maxterspade12ph at 09:49 AM.


Galing sila sa dakong mandaluyong, patawid ng kalentong papuntang Sta. Ana nang sinabihan ng nagmamaneho ang kanyang kasama. "Buksan mo na lang ang bintana. Tinotopak kasi ang aircon, ayaw umandar. Kahapon pa to e. Isa pa, malakas kain sa gasolina kapag naka aircon."

Sumunod naman ang kaisa-isang pasahero. Manual niyang ibinaba ang bintana ng Toyota RevO na kanilang sinasakyan. Mga higit sa limang taon na rin nilang pinakikinabangan ito.

"Ma, saan tayo sa Christmas?" tanong ng pasahero; na ngayo'y kitang kita na ang kanyang simpleng mukha ng mga tao sa kalsada habang bumabiyahe ang kanilang sasakyan. "Kagaya nung last year." sagot naman ng kanyang mama.

Kahit na mukhang magkapatid lang sila, ang totoo'y mag-ina sila. May kapatid din naman 'tong pasahero; pero sa ngayon, siya lang ang nakasakay sa kanilang maluwang na sasakyan.

"Hindi ba tayo bibisita sa mga lola? Matagal-tagal na rin natin sila hindi nakikita. Kelan na nga ba yung last time?" Napahinto ang kanilang sasakyan sa pagtawid ng isang tricycle na galing sa Hulo. Sabay naman ng cut ng pampasaherong jeep na galing sa terminal nito papuntang Taft. Puno ang jeep at may sumasabit pa.

"Magno Noche Buena tayo kasama ng mga bata. Kakain ng spaghetti, iinom ng wine, ganun."

Umiinit ang araw, patuloy ang pagtakbo ng mga sasakyan. May mga nagmamadali, may mga nahuhuli at meron din mga hiindi kumikilos. Pilit mang mag overtake ng mga jeep sa kanila, wala pa rin makauna kasi kabisado nila ang kalsada. Alam ng nagd-drive kung san liliko at kung saan mabilis ang takbo ng mga sasakyan.

"O pano, susunduin ba kita mamaya o may lakad pa kayo? Friday ngayon, pwede kang gumimik pagkatapos mo." nang makita nila ang Philippine Racing Club. "Hindi na ma, sunduin mo na lang ako agad." sagot naman ng pasahero pagkalampas dito.

At kumaliwa na sila sa kanto ng Kalayaan at Pasong Tamo.


makialam ka!



November 26, 2008

May ate na ako.

Written by maxterspade12ph at 11:59 AM.


Ayan. sa wakas meron na ko ate. ate as in ate.. kahit na mas matanda ako, may karapatan ako na tawagin siya na ate..

Siya si Joan Divina. taga-Marikina siya. Nakilala ata siya ng kuya ko sa pinagtatrabahuhan nila. Sa bahay na siya nakatira ngayon.

Kinasal sila nung Nov.21, 2008/. Masaya ang kasalan.. ginanap ito sa Max's sa may marikina. Nakakatuwa nga kasi late pa siya ng dating. mga 30 minutes late. pinagagalitan na nung judge na masungit yung kuya ko.

5 months na siya buntis/ so pagdating ng summer, may babay na sa bahay.. sabi nga ng daddy ko, at last, meron na sila ng matatawag na daughter. first girlfriend siya ng kuya ko.

 

 

 

 

 

 

 

 

At dahil busy busyhan sila kuya do at si glorien.. kami na lang tuloy ni ate joan ang nanuod ng Twilight.. ahehe.

 

 

 

 

 

 


makialam ka!



« 2008/10 | 2008/12 »
Ako si JP, ang ikalima sa mga Kampeon Ng Pagibig. Idolo ni JP si Mario Mario. Ang tuberong ginagawa ang lahat para sa Pag-ibig. Isa lang ang hiling ni JP; ang maunawaan ng tao kung paano maging Jesus-like, bago maunawaan ng tao kung paano maging God-like.

tagboard

your name:

url:

your message:

content pages

links

categories

communities

credits

Layout © Up4Grabs
Site powered by Tabulas

Blog owned by maxterspade12ph