sa ibabaw ng lupa.
Posted by maxterspade12ph at 12:33 AM on November 2, 2008.
marami na ulit kami sa bataan st. dati itong bahay ng pamilya ng lola ko. ngayon, nakapangalan na ito sa lolo ko na namatay na. isa siyang judge na sa talino at galing, prinsipyo ang paiiralin. hindi ko alam kung anong hokus pokus ang nagawa niya para mailagay sa kanyang pangalan ang bahay sa sta.mesa. basta ang alam ko, legacy nya ang bumubuhay dito hanggang ngayon.
noong isang taon, hindi ako nakatira sa bahay. plano ko kasi dati na maging religious kaya sa brother's community ako nakatira. dun ko masasabing halos iwan ko na ang sta.mesa. pero ngayon, nag-iba ang plano. hindi ko alam kung ano ang saktong dahilan pero basta alam ko hindi ako para doon. yun siguro ang sabi sa akin ng lolo ko. hindi ko kasi ata siya nadalaw noong isang taon.
ngayon, dahil sa trabaho at sa iba pang mga dahilan, hindi ko rin siya mapupuntahan. yung isa kong lolo, napuntahan ko na. ganun din ang pamilya ng lola ko sa sta.mesa, ang tunay na may-ari ng bahay sa bataan st. pero sa lolo peping ko (dito ko ata nakuha ang nickname ko na pepi) hindi ako makakapunta. kaya't aalalahanin ko na lang siya sa pamamagitan ng blog ko.
lolo, natatandaan mo. dahil sa'yo nakatapos ako. sabi ng tatay ko, hindi niya ako kaya paaralin kung siya lang. kaya dahil sa tulong mo at sa mga tito - tita ko, lalo na kay tita nena ko, nakatapos ako. natatandaan ko pa nung hapon ng graduation ko, walang celebration na nangyari. dumiretso kami sa puntod mo.. sa dahilan na anniversary iyon ng pagkamatay mo. grabe ka lolo. patay ka na, nababayaran mo pa rin ang tuition ko. ewan ko tuloy kung sino ang kumuha ng folded (fake) diploma na iniwan ko sa puntod mo.
sige na lolo, kung namimiss mo kami, sa opisina ka na lang magpunta. wag sa bahay. andun yun asawa ng kuya ko, buntis yun. baka mapaanak nang di oras. sabi nga pala ni lola nung niyaya ko siya pumunta sa sementeryo, di raw siya makakapunta. inuubo nga siya umikot lang sa bataan st. kung magpaparamdam ka, wag lang bigla. baka magulat e.
2 ang mga nakialam




frankstub14
maine12

buti di ka matatakutin ah...