sat - sun rest day.
Posted by maxterspade12ph at 01:23 PM on November 10, 2008.
ano ba to? first genuine sat-sun restday.. hindi ko alam kung sa gabi o sa umaga ako matutulog.. pero basta dapat kapag natulog, lahat tulog. kapag gising, dapat lahat gising.
ano na ba nangyayari? si Harvey Roca a.k.a [KNP]master wong, lumipad na papuntang Dubai. 1 year daw siya dun. magwe-waiter daw. sisikapin niya na mabuhay dun na ang ginagastos ay yung pan-tip lang sa kanya. yung sweldo, direcho ipon at pag-uwi ng pinas, saka na iisip ng gagastusin. yung sister niya na si Jek-jek lang ang maiiwan sa Pinas. Kasama kasi niya si Kuya Reggie niya dun para dalawa silang magtatrabaho. at dahil doon. isang despedida sa sizzling stop sa may Pasay rd ang ginanap. masaya nga e, kaso wala sa akin mga pics. nandun ata kay smikai.. edit post ko na lang to pag nakakuha na ako.
so ayun.. audition, (not in the position to say the results) then konting tambay sa mall, uwi, nuod ng wildboyz tsaka achmed . tapos meron bago ngayon, One Outs.. tungkol siya sa baseball at sa isang pitcher na di naman kalakasan bumato pero magaling sa mind games. syempre meron din mga pampakulay ng buhay after magsimba pero ok naman.
pasensya na sobra, minsan talaga palpak-palpak ako..
so pano? andami nangyayari pero wala man lang pictures. yan talaga problem pag wala kang digicam. di bale, wait til next time, makakabili rin ako..
makialam ka!



