Entries for December, 2008
Written by maxterspade12ph at 10:01 AM.
sa wakas.. 13th month pay..
kaso nakalaan na para sa espesyal
Written by maxterspade12ph at 08:26 AM.
tita.. kayo na po ang mag areglo sa tables and chairs.. 120 persons seating po.. tapos. extra chairs na lang na mga 3 dozens.,
(sana magkasya ang pagkain.)
Written by maxterspade12ph at 04:17 AM.

1. Happy 25th anniversary.
2. Paki iwanan ang mga wedding ring ninyo sa garapon, kakailanganin kasi namin yan.
3. Kailangan makauwi ni mami sa Bayugo-Meycauayan Bulacan. Dun siya manggagaling papunta sa laguna para sa kasal sa Dec.21.. Pakidala ang damit pangkasal.
4. Kayo ay magkikitang muli sa Dunday PA.
*sumunod na lang.
** Pwede magtanong.
Written by maxterspade12ph at 12:57 AM.
`1st year annibersari namin ni Glorien.. what is the best way ba to celebrate love? Syempre, isang katuparan at example ng tunay pagmamahalan ang aming tinutukan, at pinagdarasal na sana ay aming tularan.
25th wedding nila mommy nung dec.18,2008/// at na-celebrate namin ito kanina lang, dec.21// 25 years na punong puno ng pagmamahalan..
ang hirap pala magpa-kasal lalo na ng mga magulang. ako kasi ang tumayo na wedding planner. basically, dalawang parts lang naman ang kasal. wedding proper at reception. lahat ng detalye dapat alam mo.. kasi may mga marurunong pa sayo at siguradong maki-criticize ka nila. malay ko ba, hindi pa ako kinakasal e.
sa dami ng mga tumulong para sa espesyal na araw ng mga magulang ko.. maraming salamat.
ke Fr. Rey Hayag na naglaan ng panahon para mamuno sa misa.. maraming salamat
sa mga MBG, LCM, sakristan, kabataan, sa kagalingan pagbibigay kulay at buhay sa celebrasyon. salamat.
ke tita Celsa Duga, na nag-ayos ng simbahan. at on the day itself, tumayong ninang.. maraming salamat.
ke tito Lito Bacalla na tumayong ninong sa kasal, at tumulong sa misa. maraming salamat.
ke ninang Jennie Babao na nagpakita sa akin kung pano maging organized, sa paghatid sa mga dapat kausapin. at sa mga pag supervise sa panahon na wala pa ako.
ke ninang Mina De Castro na sa isang pasabi lang, ok na ang service ng mga gamit. maraming salamat.
ke Tita Sonia, ang paboritong caterer ni mami, na naghanda ng pagkain para sa 100 na katao, pero higit pa doon ang napakain, maraming salamat.
ke Ate Star, na dumating ng Sta.Mesa, tatlong araw bago ang schedule niya, para sa pagkampante ng isipan ni mami. salamat.
ke Tita Jeanette, Tita Paz, Tita Marilou, Tita Emy at kani-kanilang mga asawa at pamilya, sa pag pledge ng share sa kasal, maraming-maraming salamat.
ke Kuya Do at Joan, para sa pagsuporta sa ibang detalye, pagtulong sa desisyon, sa souvenirs at marami pang bagay. salamat.
ke Choy at Trish, na tumayong wedding singer at gumawa ng invitations, tumulong sa pagdesisyon. salamat.
ke Glorien at sa kanyang patuloy na pagmamahal, pagalaga at pagsuporta. maraming maraming salamat.
At sa lahat ng nakalimutan ko, sa dami ninyo, hindi ko na maalala. salamat. Ganun na din sa mga hindi nasabihan at mga hindi nakapunta/. Kita kiita tayo sa 50th anniv.
Ate maja, na tumayong emcee. kaw na sunod sa kasalan... ihagis man ang bouquet of flowers o hindi.
Written by maxterspade12ph at 11:06 AM.
so ngayon, alam na ng nanay niya.. malamang dapat sabihin mo na rin sa nanay mo. tapos, papayag ka sa gugustuhin ng mga magulang ninyo kasi obvious naman na hindi mo pa kaya mag desisyon ng TAMA para sa sarili mo, ano ang karapatan mo na magdesisyon para sa inyo pareho.
advise kita pre, sundin mo muna sila. pumayag ka sa gustuhin nila. i-prove mo muna sa kanila kung ano ang kaya mong gawin. hindi kayo pareho ni Rocky ng kalagayan na kinakailangan tumayo sa sariling mga paa. iba ang sitwasyon mo. hindi mo pa na-meet expectations nila.
kung sa tingin mo e kaya mo na, may ugaling pinoy na pwede mong gamitin. ang tawag dito e "tanan" mga mayayabang lang ang gumagawa nito. pero sa ugali mo, kaya mo naman ito. pag ito ang pinili mo, kaya kita tulungan, sa abot ng aking makakaya.
pero in the first place .kumusta na ba? kasi naman busy-busyhan na tayo. hindi na tayo kagaya ng dati. although kaya pa natin yung mga just call my name, i'll be there na KNP signatures, hindi na natin magawa kasi nga, marami na tayo obligasyon. pero sinisiguro ko sa iyo andito pa rin ako, kaming lahat. may sabit pa,.
basta suporta lang kami. kung ano man ang desisyon mo. kahit na sa tingin namin ay mali, itatama natin. tatama rin yan, sumuntok ka lang.
Written by maxterspade12ph at 11:40 PM.
tapos na ang taon. maraming nangyari at maraming pagbabalik tanaw na dapat tignan. pero dahil may kanya-kanya naman tayong mga buhay, isang activity ang aking naisip, ito ang pagbigay ng mga example kung saan hindi nangyari ang isang bagay kung wala ako. marami ito. kung may makalimutan man ako, yun ay dahil nalimutan ko na talaga.
Kung wala ako noong taong 2008, ...
1. Wala sigurong nag hold ng monthly meeting ng mga aspirants sa 1st quarter ng taon.
2. Wala sigurong nakapagpatunay sa Real (not imaginary) boyfriend ni Elaine sa Cebu noon January.
3. Tatlo lang siguro ang nagpasa ng application for Postulancy noong February 14.
4. Hindi sana nag enjoy si Yen sumakay ng kabayo sa Tagaytay noong March.
5. Hindi siguro nakilala ng mga taga Iloilo si Kuya JP noong April.
6. Wala sigurong nag backout sa postulancy noong April.
7. Hindi siguro nagkaroon ng Hosting Agent na Batch 60 noon July.
8. Hindi siguro nakapaglaro sa MTG:Grand Prix si Choy noong August.
9. Hindi siguro nagkaroon ng chinamobile iphone yung isang gago na pumunta sa oktoberfest sa San Miguel Ave noong September.
10. Hindi sana nabili ang e6 ni Hon.
11. Hindi sana naayos ang e6 ni Hon nang minsang nasira ito at kailangan magbayad ng 550Php labor fee sa motorola.
12. Wala sigurong naregalong electric fan kila kuya do at joan nung kasal nila nung November.
13. Hindi siguro na-celebrate sa Laguna ang 25th Wedding Anniversary ng mommy at daddy namin.
14. Hindi siguro nag 1 year ang aming pag-a I love you.
15. Available pa rin siguro ang http://www.kampeonngpagibig.com
meron pang maraming nangyari. pero boring na yung iba. isa lang alam ko, may treasure akong nakita ngayong taon. isang treasure na hindi ko pakakawalan.