Entries for February, 2009
Written by maxterspade12ph at 03:01 PM.
A pale of tranquility
Descends in the depths
Of the night in which i stand
Embracing the pain
Yearning for the scene
That surfaced into
The back of my eyelid
Together with the dawn, i will
Step through tomorrow and today
Written by maxterspade12ph at 08:47 AM.
... sa wakas, may kasalan na naman. namanhikan na rin sa wakas si Atty. Arvin ke Atty. Maja. dec.12, 2009 daw. wala pa kong details kasi hindi naman kami sumama sa event na yon. manggugulo lang kami e.
ako dapat ang nagdrive, e kaso, masakit ang braso ko dahil medyo nabanat sa gym kaya di na ako sumama. si mommy at daddy na lang ang nagpunta dun at nakisawsaw sa usapan.
Written by maxterspade12ph at 11:53 PM.
Happy Valentines aking pinakamamahal

Written by maxterspade12ph at 11:57 PM.
Happy 50th birthday mommy. Golden Girl ka na.. ahahaha.
Written by maxterspade12ph at 03:36 PM.
The future is not just a fixed location
It is a shining light to show the way
Blaze away now
Blaze away now
Blaze away to go beyond the open door
The time has come to be reborn
Blaze away now
Blaze away now
Blaze away to be ready for anything
Even when you're alone
Blaze away now
Blaze away now
Blaze away and keep rushing out this way
Grasping the key that lies in your hand
Written by maxterspade12ph at 11:57 PM.
Bago lang sila. Katapusan ng taong 2008 lang sila naging magsing-irog. Taga-Bulacan si Jason at taga-Cainta naman si Vina. Nasa bahay sila sa Bulacan ngayon kasama ng maraming pinsan ni Jason. Bertdey kasi niya ngayon.
Tapos na ang isang maikling programang inihanda para sa magkasabay na celebration ni Jason at ng kanyang tita Josie(kapatid ng kanyang tatay). Nagkakainan ulit ang lahat; hindi dahil sa gutom ngunit dahil marami pang pagkain na dapat ubusin.
Pinagmamasdan ng mga pininsan ni Jason ang dalawa. Nag-aabang silang lahat na matapos ang lahat na makakain bago gawin ang nakaugalian nang tradisyon ng pagtanggap sa isang potential na maging bagong kapamilya. kikilalanin, kikilatisin at uusisain muna ang pagkatao ni babae.
Dalawang hiwa ng inihaw na baboy na lang ang natitira sa plato ng magsing-irog. Mga dalawang minuto na nila itong tinititigan. Ubos na rin ang softdrinks sa baso nila na may yelo na nagpapatagal sa oras para hindi nila tuluyang tapusin ang pagkain. Wala na silang ibang choice. kailangang tapusin na nila ito.
Una nang kinuha ni Jason ang tinidor, tinusok ang piraso ng baboy na mas malaki at mas maraming taba nilagay niya ito sa kanyang bibig at hinawakan gamit ang mga ngipin. hindi pa niya ito tuluyang sinubo at sinadya niyang makita ng kanyang bagong girlfriend ang kanyang ginawa. ibinalik niya sa kanilang plato ang tinidor at huminto na parang may hinihintay.
Tama nga naman at napansin ito ni Vina. Pagkakataon na niya ngayon. Kinuha niya ang tinidor, tinusok ang kahulihulihang pirasa ng inihaw. Nilagay niya ito sa kanyang bibig. Sa napakabilis na segundo sa pagitan ng kanyang pagsubo ng huling piraso, nagawang sabayan ni Jason ng pagsubo ng sarili niyang piraso ng inihaw. Hudyat ito ng pagtapos ng kanilang pagkain. sabay nilang nginuya ang kanilang sariling piraso ng inihaw.
Wala nang nakapansin kung sabay nilang nilunok...