Entries for August, 2009
Written by maxterspade12ph at 02:21 PM. Filed under Rants.
tae talaga.. hindi ako maka vent out sa
blog ko sa domain name ko dahil nga naman gusto ko, malinis yun..
at
dahil buhay pa rin naman ang tabulas ko, medyo aayusin ko ito ulit para naman
makapag post ako ng mga mura..
pakshet talaga.
nag suggest ang
ibang bossing na gumawa ng forums para sa team namin. para nga naman makapag
share tips and tricks sa trabaho. kasi, extremes ang stats ng team namin. meron
mga masyadong magagaling, at meron din nahihirapan sa pag usad. at dahil nga
ugali kong gumawa ng utos, ginawa ko.
una, ginawa ko sa domain name na
pauparazzi.com... maganda na sana, ayos na sana, kaso lang, umangal ang isang
boss. sabi niya, dahil daw company-related ang pag-uusapan, bawal daw iyon ma
access ng taga labas, therefore, hindi ko pwedeng ilagay sa pauparazzi.com..
kahit na lagyan ko ng mga permission levels, mahirap na baka ma hack..
ayun, deleted na siya.. gawa ng bago.
ngayon naman, sa intranet
ko na nilagay. at dahil nga kakaibang language na .asp ang ginagamit ng aming
windows-based intranet, hinalungkat ko ang aking experienced software at nakita
kong muli ang webwiz forums.
libre naman yun kaya walang
problema.
sabay angal ulit yung bossing ko, sabi niya, dahil hindi pa daw
"official" wag daw muna gamitin.
pakshet talaga.
ni-lock ko
ngayon ang forums. moderators lang ang pwedeng mag post ng threads at comments.
at mga limang araw na kami nag-aantay, kelan kaya magiging official ang
forums.
nag-utos pa, hindi pa naman pala official. nasasayang ang effort
ko.
andami gustong magshare ng kanilang thoughts. marami naman akong
spare time para mag moderate ng forums.
tapos, yung isang bossing, gusto
daw niya maging admin.. binigyan ko ng access, kaso titignan ko talaga mga
galawa niya.. flame-biter yun e.
pakshet talaga.
basta naiinis
ako.. dito ko na muna sa tabulas ibubuhos ang inis ko.
buti na lang
nakapag-dota kami kahapon.
Written by maxterspade12ph at 06:50 PM. Filed under Si Hon.
ay nako..
si hon ko talaga.. always na lang daw siya nadidisgrasya sa practice nila sa cheering. nung una, hindi siya nakatalon ng maayos, ayun, nalaglag siya. eto naman, natamaan daw yung mata niya ng sapatos, ayun daw, namamaga. hay naku.
pero siyempre, masaya ako para sa kanya. alam ko talagang love na love niya ang dancing. kaya syempre todo suporta naman ako sa kanya. yung performance/competition nila, sa sunday na. noon time. iniimbita ko nga lahat ng kaya kong imbitahin. kasama na dun mga pinsan ko. sana makapunta sila.
pinagppray ko na sana maganda yung performance nila sa sunday. walang mangyari na hindi naaayon sa kanilang na-practice, at syempre, sana manalo sila. sa dami ng practice nila, dapat lang na manalo sila.
watchout na lang sa pictures.. sana maganda mga makuha kong pictures.
galingan ninyo hon. love you.