Entries for October, 2009
Written by maxterspade12ph at 01:01 AM.
napansin ko lang.
sa mga blog ngayon,
kapag naglagay ka ng maraming pictures sa blog mo, hindi na nila binabasa ang texts ..
so ang solusyon ng iba. maglagay ng lapses kagaya ng periods. kagaya nito:
.
.
.
.
.
.
para mapilitan mag scroll ang mga readers at magbasa ng mga texts.
bago ang mga pictures.
.
.
.
magandang technique ito, ewan ko lang kung advisable.
Written by maxterspade12ph at 06:01 PM. Filed under Sangalang - de Leon.
Iba talaga pag alam mong safe ang mga malalapit sa puso mo.
Sunday, Oct. 4, 2009. Eto ang petsa ng pag re-schedule ng bday ng lola During namin. Lola namin siya sa mother side.
Kahit hindi kumpleto ang magpipinsan, kumpleto naman ang kainan.
Espesyal ang araw na ito dahil dito nadidiscus ang kung anu-anong
topic. Highlight madalas dito ang plano kung saan magpa-Pasko ang buong
angkan.
At dahil nga nakiraan si bagyong Ondoy sa Metro Manila, kasama rin sa
kwentuhan ang mga experiences ng bawat isa tungkol ke Ondoy.
Andyan rin ang kasalan na magaganap bago matapos ang Oktubre. Hindi
kasalang Mar-Korina ang tinutukoy ko, bagkus kasalang Janzen-Rica.
Meron din bagong boyfriend na ngayon ko lang nakita. Pareho pa sila ng
gamit ng pinsan ko. Kala ko notebook lang, yun pala blinds.
Yung isa kong pinsan, babalik sa Spain. Dun muna siya for 45 days. Ewan ko kung ano gagawin, basta related sa trabaho niya.
Iba talaga pag kasama mo ang pamilya mo.. Buti at safe silang lahat.
Written by maxterspade12ph at 09:21 PM. Filed under Personal Development.
ewan ko..
ngayon ko lang ito mata-translate into words.
dahil ngayon ko lang siya naintindihan.
noong Bagyong Ondoy, stranded kami ng mommy ko sa JRU. Bibili lang dapat kami ng pang-ispageti nun sa SM Hypermarket. Sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang tumaas ang tubig baha. Hindi na kami nakauwi.
Plano ko pa naman sana na pagkatapos bumili ng pang ispageti, didiretso ako sa c5. pupuntahan ko si hon.
E hindi na nga nangyari.
Sobrang feeling ko helpless ako noon.
.
.
Isipin mo na lang, kung nandun ako sa bahay, nakatulong pa ako sa paglikas ng mga gamit.
E kung andun naman ako sa c5. nakatulong din ako.
.
.
Pero asan ako? nandun ako sa JRU. At hindi lang sa wala akong ginagawa para makatulong, ako pa ang lumabas na biktima at ako pa ang kailangan tulungan.
Feeling ko, hindi ako isang kampeon.
Kaya sobrang down ako.
.
.
Kaya next weekend, nag make sure ako na nasa bahay ako.
At nung nagkaroon ng chance na makipag kumustahan sa mga relatives, I did grab the chance. Iba talaga ang nagagawa ng pamilya.
.
.
Written by maxterspade12ph at 01:45 AM. Filed under Trabaho.
bumalik na sila..
this time, aabusuhin ko ang pagpunta nila..
magpapamasahe ako.. ahahaha...
pantanggal lang ng stress. medyo stressed out kasi e.
magbibigay pa ba ako ng tip?