Written by maxterspade12ph at 06:01 PM. Filed under Sangalang - de Leon.
Iba talaga pag alam mong safe ang mga malalapit sa puso mo.
Sunday, Oct. 4, 2009. Eto ang petsa ng pag re-schedule ng bday ng lola During namin. Lola namin siya sa mother side.
Kahit hindi kumpleto ang magpipinsan, kumpleto naman ang kainan.
Espesyal ang araw na ito dahil dito nadidiscus ang kung anu-anong
topic. Highlight madalas dito ang plano kung saan magpa-Pasko ang buong
angkan.
At dahil nga nakiraan si bagyong Ondoy sa Metro Manila, kasama rin sa
kwentuhan ang mga experiences ng bawat isa tungkol ke Ondoy.
Andyan rin ang kasalan na magaganap bago matapos ang Oktubre. Hindi
kasalang Mar-Korina ang tinutukoy ko, bagkus kasalang Janzen-Rica.
Meron din bagong boyfriend na ngayon ko lang nakita. Pareho pa sila ng
gamit ng pinsan ko. Kala ko notebook lang, yun pala blinds.
Yung isa kong pinsan, babalik sa Spain. Dun muna siya for 45 days. Ewan ko kung ano gagawin, basta related sa trabaho niya.
Iba talaga pag kasama mo ang pamilya mo.. Buti at safe silang lahat.
makialam ka!