Strangely, napanaginipan na naman kita.
Kakatapos lang ng malakas na ulan. Napadaan ako malapit sa inyo. Sinubukan ko na rin na puntahan ka kahit alam kong papasok ka na sa trabaho.
Pero, baha daw ang kalsada. Buti nakakita ako ng isang maliit na bangka na pang-isang tao lang. Mukha siyang salakot na palanggana.
Pinaagos ko ang bangka na parang bangkang papel at saka ako sumakay. Hindi ako nabasa.
Nang makarating ako sa may hagdan, bumaba na ako sa bangka. Itinabi ko ang bangka ng maayos at umakyat na sa second floor. Feeling ko may nanunuod sa akin nung itinatabi ko ang bangka.
Pag-akyat ko, nakita ko ang bestfriend mo. Alam na kagad niya ang pakay ko. Sinigaw niya ang pangalan mo at sinabi na andyan nga ako.
Pagkarinig ng pangalan ko, nagsisigaw ka. Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, siguro dahil masyadong mabilis at ibang lenggwahe ang gamit mo. Basta tunog galit.
Nagpaalam kaagad ako sa bestfriend mo na hindi na lang ako magpapakita. Tumango siya. Tumakbo ako pababa ng hagdan pabalik sa bangka.
Pero nahabol mo ako, sinisigaw mo ang pangalan ko. Paglingon ko sayo, nakita ko na naka-bihis ka na. Floral na dress ang suot mo.
Strangely, nakangiti kang tumingin sa akin. Nang makita ako, bumalik ka na sa kwarto mo at tinuloy ang pagaayos ng sarili.
Nagising na ako.
Written by maxterspade12ph at 03:53 AM. Filed under twentyone.
3 ang mga nakialam
