4.25am 7.30am 9.45am
September 18, 2011

Surprise

Ika-25 na Linggo sa karaniwang panahon. Hindi ganun ka audible ang salita ng pari sa misa, pero ang lugar na to pa rin ang pinaka-paborito kong lugar sa simbahan. Pinakamalapit siya sa Choir at masarap kumanta kapag magagaling ang mga kasama mong kumakanta.

Medyo late ako dumating ng simbahan. Ayos lang dahil may iba pang mga tao na mas late pa dumating. Isa na doon ang magandang babae na umupo hindi kalayuan sa akin. Siya si JC Parker ng Viva Hot Babes. Kapitbahay nga pala namin siya dito sa Sta.Mesa.

Kahit papaano, medyo gumaan ang paligid dahil sa kanya. Kumanta na ng papuri at aleluya. Nabasa na rin ang Gospel kahit hindi ko gaano narinig ang mga binasa sa Leksyonaryo.

Sumunod na ang Homily, yan ang gitna ng misa. Kung boring ang pari, hindi mo mapipigilan na magsend ng text message na "boring ang pari, nate-tempt ako lumabas ng simbahan." Nasend ko ang message sa ilang mga kakilala.

Hindi ako nage-expect ng reply. Alam ko kasi na hindi naman din dapat talaga ako nagte-text habang nagsisimba.

Pero nakakagulat nang may pumasok na reply, "San ka nakapwesto?"

Sumagot din naman ako, "Sa taas, malapit sa choir."

"Sa gitna, sa left o sa right?", mabilis mag reply ang ka-text ko.

Hindi ko nga naman ini-specify kung saan. Wala rin akong balak sagutin ang tanong niya, "andito ako nagsisimba, asan ka ba?", gumanti ako ng tanong.

Sumagot siya kaagad. Walang dalawang segundo, "kakatapos ko lang maligo", Hindi ko pa tapos basahin ang text message, may kasunod na isa pa ang pumasok, "sa left ka ba naka-pwesto?"

Makulit din ang ka-text ko noh? Napilitan akong sagutin ang tanong niya, "oo, sa bandang left ng choir."

Pag send ko ng text message na yun, napalingon din ako sa kaliwa ko, andun pa rin si JC Parker ng Viva Hot Babes. Wala pa ring kupas ang kanyang ka-seksihan.

Pero hindi lang si JC Parker ang maganda sa gawi na yun ng simbahan. May isa pa. Hindi siya kasing SIKAT kagaya ng mga Viva Hot Babes pero mahalaga siyang tao para sa akin.

Paakyat siya ng hagdan. Parang anghel na lumulutang ang kanyang bawat hakbang.

Teka, di ba sa langit nanggagaling ang mga anghel? Bat itong anghel na to ay dumadaan pa sa hagdan?

Nagulat lang ako, napatanong ako sa sarili. Bat siya narito? Paano siya nakarating dito? Wala naman kaming pinag-usapan na magkikita kami a? Teka, bat ako nakangiti? Alam kong hiniling ko kanina habang, kumakanta ng papuri, na makita siya, pero bat ganon kabilis sumagot ang Panginoon?

At teka, akala ko ba kakatapos lang niya maligo?


Written by maxterspade12ph at 11:43 PM. Filed under Diwata.

makialam ka!



Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Ako si JP, ang ikalima sa mga Kampeon Ng Pagibig. Idolo ni JP si Mario Mario. Ang tuberong ginagawa ang lahat para sa Pag-ibig. Isa lang ang hiling ni JP; ang maunawaan ng tao kung paano maging Jesus-like, bago maunawaan ng tao kung paano maging God-like.

tagboard

your name:

url:

your message:

content pages

links

categories

communities

credits

Layout © Up4Grabs
Site powered by Tabulas

Blog owned by maxterspade12ph