Written by maxterspade12ph at 01:01 AM.
napansin ko lang.
sa mga blog ngayon,
kapag naglagay ka ng maraming pictures sa blog mo, hindi na nila binabasa ang texts ..
so ang solusyon ng iba. maglagay ng lapses kagaya ng periods. kagaya nito:
.
.
.
.
.
.
para mapilitan mag scroll ang mga readers at magbasa ng mga texts.
bago ang mga pictures.
.
.
.
magandang technique ito, ewan ko lang kung advisable.
Written by maxterspade12ph at 01:14 AM. Filed under Rants.
dumarami na sa aming trabaho ang gumagawa ng kani-kanilang mga blogs.. magagaling naman kasi sila lahat e. kaya naman araw-araw, andami kong nababasang mga chismis. syempre ang target market, puro officemates.
naikukumpara ko tulog ang blog ko na kampeonngpagibig.com. kasi naman, ang target ng blog ko e lahat. pangkalhatan. ayoko na kapag may napadpad na kung sino sa blog ko, e hindi sila makarelate. gusto ko na kapag kamag-anak, katrabaho, dating ka eskwela, maiintindihan ang sinasabi ko..
so ngayon, ang inaangal ko lang, syempre, dahil sa immediate environment ko ngayon na tinatawag na "office" sumisikat at dumarami ang bumibisita sa mga blog na nakatuon para sa kanila. natural, hindi kayang makipagsabayan ng blog ko..
kaya ngayon, medyo naiinggit ako sa blog ng iba. kasi andaming comments sa mga post nila. ako, yung latest entry ko, wala man lang kahit isa. parang walang interesado. nagpopromote naman ako ng website ko tsaka alam ko naman na may nagbabasa, pero walang comments.
well ganun ata talaga, speechless siguro ang mga readers ko kaya hindi sila makacomment.
ikaw? comment ka naman doon sa knp blog ko.
at dito na rin. please.
Written by maxterspade12ph at 06:50 PM. Filed under Si Hon.
ay nako..
si hon ko talaga.. always na lang daw siya nadidisgrasya sa practice nila sa cheering. nung una, hindi siya nakatalon ng maayos, ayun, nalaglag siya. eto naman, natamaan daw yung mata niya ng sapatos, ayun daw, namamaga. hay naku.
pero siyempre, masaya ako para sa kanya. alam ko talagang love na love niya ang dancing. kaya syempre todo suporta naman ako sa kanya. yung performance/competition nila, sa sunday na. noon time. iniimbita ko nga lahat ng kaya kong imbitahin. kasama na dun mga pinsan ko. sana makapunta sila.
pinagppray ko na sana maganda yung performance nila sa sunday. walang mangyari na hindi naaayon sa kanilang na-practice, at syempre, sana manalo sila. sa dami ng practice nila, dapat lang na manalo sila.
watchout na lang sa pictures.. sana maganda mga makuha kong pictures.
galingan ninyo hon. love you.
Written by maxterspade12ph at 02:21 PM. Filed under Rants.
tae talaga.. hindi ako maka vent out sa
blog ko sa domain name ko dahil nga naman gusto ko, malinis yun..
at
dahil buhay pa rin naman ang tabulas ko, medyo aayusin ko ito ulit para naman
makapag post ako ng mga mura..
pakshet talaga.
nag suggest ang
ibang bossing na gumawa ng forums para sa team namin. para nga naman makapag
share tips and tricks sa trabaho. kasi, extremes ang stats ng team namin. meron
mga masyadong magagaling, at meron din nahihirapan sa pag usad. at dahil nga
ugali kong gumawa ng utos, ginawa ko.
una, ginawa ko sa domain name na
pauparazzi.com... maganda na sana, ayos na sana, kaso lang, umangal ang isang
boss. sabi niya, dahil daw company-related ang pag-uusapan, bawal daw iyon ma
access ng taga labas, therefore, hindi ko pwedeng ilagay sa pauparazzi.com..
kahit na lagyan ko ng mga permission levels, mahirap na baka ma hack..
ayun, deleted na siya.. gawa ng bago.
ngayon naman, sa intranet
ko na nilagay. at dahil nga kakaibang language na .asp ang ginagamit ng aming
windows-based intranet, hinalungkat ko ang aking experienced software at nakita
kong muli ang webwiz forums.
libre naman yun kaya walang
problema.
sabay angal ulit yung bossing ko, sabi niya, dahil hindi pa daw
"official" wag daw muna gamitin.
pakshet talaga.
ni-lock ko
ngayon ang forums. moderators lang ang pwedeng mag post ng threads at comments.
at mga limang araw na kami nag-aantay, kelan kaya magiging official ang
forums.
nag-utos pa, hindi pa naman pala official. nasasayang ang effort
ko.
andami gustong magshare ng kanilang thoughts. marami naman akong
spare time para mag moderate ng forums.
tapos, yung isang bossing, gusto
daw niya maging admin.. binigyan ko ng access, kaso titignan ko talaga mga
galawa niya.. flame-biter yun e.
pakshet talaga.
basta naiinis
ako.. dito ko na muna sa tabulas ibubuhos ang inis ko.
buti na lang
nakapag-dota kami kahapon.
Written by maxterspade12ph at 10:05 PM. Filed under Wordpress.
Hindi pala biro ang Wordpress blog. Sa pagpili pa lang ng Theme, sobrang naguguluhan na ako. Sobrang daming available themes at yung gusto ko naman, napakahirap naman ma-customize.
Buti na lang nakita ko ang Atahualpa Theme http://wordpress.bytesforall.com/?p=70.. medyo mas madali na siya kasi meron kasamang theme editor. At integrated pa ang theme editor na ito sa dashboard.
Unti-unti ko nang nabubuo ang paglipat ko sa wordpress. Di bale, hindi ko kayo iiwan dito sas Tabulas. ito pa rin ang homeblog ko.