4.25am 7.30am 9.45am

Entries in category "Diwata"

September 18, 2011

Surprise

Ika-25 na Linggo sa karaniwang panahon. Hindi ganun ka audible ang salita ng pari sa misa, pero ang lugar na to pa rin ang pinaka-paborito kong lugar sa simbahan. Pinakamalapit siya sa Choir at masarap kumanta kapag magagaling ang mga kasama mong kumakanta.

Medyo late ako dumating ng simbahan. Ayos lang dahil may iba pang mga tao na mas late pa dumating. Isa na doon ang magandang babae na umupo hindi kalayuan sa akin. Siya si JC Parker ng Viva Hot Babes. Kapitbahay nga pala namin siya dito sa Sta.Mesa.

Kahit papaano, medyo gumaan ang paligid dahil sa kanya. Kumanta na ng papuri at aleluya. Nabasa na rin ang Gospel kahit hindi ko gaano narinig ang mga binasa sa Leksyonaryo.

Sumunod na ang Homily, yan ang gitna ng misa. Kung boring ang pari, hindi mo mapipigilan na magsend ng text message na "boring ang pari, nate-tempt ako lumabas ng simbahan." Nasend ko ang message sa ilang mga kakilala.

Hindi ako nage-expect ng reply. Alam ko kasi na hindi naman din dapat talaga ako nagte-text habang nagsisimba.

Pero nakakagulat nang may pumasok na reply, "San ka nakapwesto?"

Sumagot din naman ako, "Sa taas, malapit sa choir."

"Sa gitna, sa left o sa right?", mabilis mag reply ang ka-text ko.

Hindi ko nga naman ini-specify kung saan. Wala rin akong balak sagutin ang tanong niya, "andito ako nagsisimba, asan ka ba?", gumanti ako ng tanong.

Sumagot siya kaagad. Walang dalawang segundo, "kakatapos ko lang maligo", Hindi ko pa tapos basahin ang text message, may kasunod na isa pa ang pumasok, "sa left ka ba naka-pwesto?"

Makulit din ang ka-text ko noh? Napilitan akong sagutin ang tanong niya, "oo, sa bandang left ng choir."

Pag send ko ng text message na yun, napalingon din ako sa kaliwa ko, andun pa rin si JC Parker ng Viva Hot Babes. Wala pa ring kupas ang kanyang ka-seksihan.

Pero hindi lang si JC Parker ang maganda sa gawi na yun ng simbahan. May isa pa. Hindi siya kasing SIKAT kagaya ng mga Viva Hot Babes pero mahalaga siyang tao para sa akin.

Paakyat siya ng hagdan. Parang anghel na lumulutang ang kanyang bawat hakbang.

Teka, di ba sa langit nanggagaling ang mga anghel? Bat itong anghel na to ay dumadaan pa sa hagdan?

Nagulat lang ako, napatanong ako sa sarili. Bat siya narito? Paano siya nakarating dito? Wala naman kaming pinag-usapan na magkikita kami a? Teka, bat ako nakangiti? Alam kong hiniling ko kanina habang, kumakanta ng papuri, na makita siya, pero bat ganon kabilis sumagot ang Panginoon?

At teka, akala ko ba kakatapos lang niya maligo?


Written by maxterspade12ph at 11:43 PM. Filed under Diwata.

makialam ka!



September 10, 2011

Kanya kanya

Andito ako ngayon sa pacita. Ito ang homebase ng mga kampeon kapag may problema. Kung titignan mo ako ngayon, parang ok lang ako.

Pero pag kinuwento ko na sa iyo ang sitwasyin ko, sasabihin mong tanga ako. Sabihin mo man na may option ako na lumabas sa problema ko, sasabihin ko sa iyo na wala ito sa mga choices.

ako ang may gusto nito. At kung hindi ko paninindigan ito, para akong newbie sa larangan ng pag-ibig. Isa akong kampeon. Kung yung dati ay isang problema pa lang e sumusuko na ako, hindi na ganun ngayon.

pabalik na ako sa manila in a while. Pabalik na sa problemang kayang kaya ko solusyunan ng isang madaling pagsuko. Pero ayoko na sumuko. This time, lalaban na ako. Harapan, walang atrasan. Sa mga maliliit na hurdles na dapat pag-isipan, itatakbo ko na lang


Written by maxterspade12ph at 03:02 PM. Filed under Diwata.

makialam ka!



July 9, 2011


Hindi ko alam kung pano sasabihin sa iyo to, kaya dito ko na lang isusulat.

Ex mo, naggi-greet pa rin sayo ng Happy Monthsary, at nila-like mo pa yung greeting niya. Ano ang dapat kong isipin dun?

May lakad ka. Sine, may kasama kang lalaki, dalawa lang kayo. Ano ang gusto mong iparating?

Pinagbibintangan mo ako na inuutasan ko ang kaibigan mo na mag-stalk sayo para sa akin, ano ba yun?

Nakakainis ang mind games mo. Hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan at ano ang laro lang. Although nakaka-pasok din ako sa utak mo ng kaunti, mas nakakabaliw ang mga galaw mo. 

Gusto kita makasama/makausap ng mas matagal. Kailan kaya?


Written by maxterspade12ph at 11:51 AM. Filed under Diwata.

makialam ka!



June 7, 2011

karma ba ito?

bumabalik ba sakin ang mga nagawa ko sa iba?

kilabot ako nung bata pa. sabi nga nila, nagpapa-iyak daw ako ng babae. kahit nga madre, nagkaka-gusto pa saken.

pero ngayon bat ganun, ako naman ang nasasaktan. actually, hindi naman nasasaktan dahil naiintindihan ko ang galaw niya at galaw ko.

nahihirapan lang ako. bawat araw, bawat oras, umaasa ako na sana mayroon akong pag-asa. parang dati kasi, everything comes in natural. ngayon, kailangan ko na mag-effort. kailangan ko na maglaan ng extra time.

at kahit magbigay ako ng higit sa ine-expect, wala akong nakikitang kapalit. walang bumabalik. kahit isang text message wala.

pag pinabayaan ko naman, ako naman ang nasasaktan. at ayaw ko tuluyang bitawan dahil mahirap makahanap ng kapalit. hindi ko nga alam kung makakakita pa ako ng kapalit.

mahirap pala yung ganito. yung nasa losing end ka. yun bang kahit na anong gawin mo e hindi ka umuusad. ini-ignore ka pa.

well, sana matapos na ito. dahil hindi ko talaga kakayanin pag magpatuloy pa.

hindi ko kaya.


Written by maxterspade12ph at 04:54 PM. Filed under Diwata.

2 ang mga nakialam



April 8, 2011

Salamat

Paborito mo pala ang lumpia, specialty ni mommy yun.

Tsinelas, parati kang naka tsinelas. Oo nga naman, sayang pedicure pag hindi mo pinapakita.

Clean cut? seryoso? ayoko pa magpagupit!

At nakakasabay ka sa kwento ng nanay ko. Ikaw pa lang ang nakakagawa nun.

Ang cute din ng nickname mo sa bahay ninyo sa Cainta. Napapangiti ako tuwing naaalala ko.

Pero kailangan talaga kita makalaban sa badminton. Siguro next week.

O well, salamat sa pagsama sa bahay ko. Next week ha...

{ music } Price Tag
{ show } Camelot


Written by maxterspade12ph at 04:14 PM. Filed under Diwata.

makialam ka!



« Newer · »
Ako si JP, ang ikalima sa mga Kampeon Ng Pagibig. Idolo ni JP si Mario Mario. Ang tuberong ginagawa ang lahat para sa Pag-ibig. Isa lang ang hiling ni JP; ang maunawaan ng tao kung paano maging Jesus-like, bago maunawaan ng tao kung paano maging God-like.

tagboard

your name:

url:

your message:

content pages

links

categories

communities

credits

Layout © Up4Grabs
Site powered by Tabulas

Blog owned by maxterspade12ph