Entries in category "Personal Development"
Tignan natin ha.
Ang nanay at tatay ko, kinasal sila nung 26 sila. Di ko sure pero yung ang tantya ko.
Si Kuya Do, may anak na, 2 years old na. 26 pa lang siya.
Ako, magtu-26 na ako next year pero nakatira pa rin ako sa bahay namin. At wala akong pangsimula. Pano ako yayaman nyan?
Hindi naman sa nagmamadali ako. Malayo pa naman ang May 2012, pero tama lang siguro na iniisip ko na to ngayon.
Written by maxterspade12ph at 11:25 AM. Filed under Rants, Personal Development.
Sarado ang KFC. Sarado din ang Jollibee. Nagki-crave ako ng masarap na chicken. Last resort: Mini Stop.
Medyo tago na ministop ang napuntahan ko. Mula bintana, nakikita ko na siya. Pero pagpasok sa store, dumiretso ako sa counter. Umorder ng 1pc chicken with rice. Kumuha ng Zesto Orange at nagbayad. Then, nagpunta na ako sa lamesa kung saan siya nakaupo.
Tinabihan ko siya.
Inalis ko ang tray na pinaglagyan niya. Hindi pa rin siya tapos kumain. Natural lang siya kung kumilos. Walang keme. Finger lickin good sa kanya ang kanyang chicken.
Syempre, hindi rin ako magpapaka-poise. Gutom ako e. Galing ako sa 10k na takbo kaninang umaga. Need ko kumain.
Dahil nauna siyang kumain, nauna rin siyang natapos. Bigla siyang tumayo at umalis. Nalungkot ako.
Pero iniwan niya ang bag niya sa lamesa. Ibig sabihin, babalik pa siya.
At oo nga, bumalik pa siya. May binili lang pala.
Sakto naman na natapos ko na rin ang pagkain ko. Niligpit ko ang pinagkainan ko.
Tumayo ako at papaalis na. Napatingin na lang ako sa relo ng cellphone ko. 20 minutes kaya pa to.
Kumuha ako ng doublemint bubble gum. 12 pesos. Nagbayad ako sa counter at bumalik sa lamesa kung saan nakaupo pa rin siya. Binuksan ko ang bubble gum at kumuha ng isa.
Tapos, inalok ko siya. "Gusto mo?"
"Sige, salamat." pero hindi siya kumuha.
"May inaantay ka?"
--- ---- ------ ----------
At nagpatuloy ang usapan namin; hanggang sa kailangan ko nang makabalik sa trabaho. 4 minutes na lakad ang kailangan ko para makabalik sa opisina.
Written by maxterspade12ph at 10:04 PM. Filed under Personal Development.
After about almost a month, nagkita rin tayo. Nasabi rin natin face to face ang mga saloobin natin.
Pero lumalabas lang na inuulit natin ang napagusapan na sa telepono. This time, mas concise, mas buo ang desisyon. mas may paninindigan, mas sigurado sa damdamin. Wala nang sigawan, wala nang sisihan, wala nang paghukay ng kung anu anong pagkakamali ng isa't isa.
Sabi nga nila, wag kang gagawa ng desisyon kapag galit ka, lalo na kung masayang masaya ka. Sa pagkakataong ito, gamit ang klarong utak ng dalawang kagigising na tao pa lamang, malinaw na iisa ang hangarin natin: ang magpalaya sa isa't isa.
Hindi natin alam kung san tayo pupulutin pagkatapos nito. Malamang, balik tayo sa kanya kanya nating mga buhay. Pupunta ako sa trabaho at kukuha ng supervisor calls. Uuwi ako mamayang gabi at haharap sa computer para maglaro ng StarCraft 2, pampalipas oras. Ganun ulit sa kinabukasan, at sa susunod pang mga araw.
Pero masaya naman ako. Masaya ako dahil nagkita tayong muli. Nahawakan kita, nakausap, nagkatagpo rin ang mga mata natin. Nalaman natin na wala tayong intesyong masama.
Malungkot din naman ako. Malungkot ako dahil nakikita ko sa mga mata mo ang kalungkutan. Alam natin kung ano ang nararamdaman natin pero hindi natin ito kayang gawan ng paraan. May mga pagkakamali tayo na hindi natin maitatama sa ngayon. Wala tayong magagawa tungkol dun sa ngayon. Hindi ko rin alam kung sa mga susunod na araw ay makakahanap tayo ng paraan.
Naiinis din ako, hindi ko inaasahan na iba na pala ang pananaw mo. May mga posibilidad na pala ang mga dating imposible para sayo. Tinatanggap mo na pala na maaaring pwede mangyari ang mga kailanman ay kasalanan sa mata mo dati. Nag-iba ka na. Hindi ko alam bakit, pero iba na.
Pero natutuwa din ako dahil tinatanong mo pa rin ang opinyon ko tungkol sa ganoong mga bagay. Wala akong maisasagot sa iyo ngayon, siguro kasi, hindi ako handa. Pero andyan na yan e, wala tayong magagawa.
May mga pangako tayo sa isa't isa dati. Pasensya na hindi ko na yun matutupad. Mukhang hanggang dito na lang talaga.
Natuldukan na rin sa wakas.
Written by maxterspade12ph at 01:07 PM. Filed under Rants, twentyone, Personal Development.
Dahil sa schedule ko sa trabaho na nagsisimula ng 3am at nagtatapos ng 12nn, iba na rin dapat ang sleeping pattern ko. Pwede akong matulog kaagad paguwi ko sa bahay sa oras na 1:30pm pero dahil stubborn ako at gusto ko maglaro ng HoN. Mga 4:30pm na ako natutulog. Sa requirement na 6-8hours, dapat mga 10:30pm - 12:30mn na ako gigising.
Ang problema, parating bukas ang computer sa amin at ang kama na tinutulugan ko ay kadikit ng computer. Kapag naalimpungatan ako ng 8:00pm at nakalingat ako sa computer, hindi na ako makakatulog ulit. Sa lahat ng klase ng pagtulog, yung pilit na tulog ang pinakamasama. Para mong pinatay ang sarili mo.
Kaya ang nagiging regime ko ay magpatulog muna. Minsan kumakain ako, minsan naman ay pinapaalis ko kung sino ang nasa computer para ako naman ang makalaro at antukin. Sobrang minsan naman ay nagbubuhat ako ng dumbels.
Pero kahapon, nag-analyze ako ng mabuti. Tinignan ko ang problema mula sa kabilang perspective
Imbis na dun ako matulog sa kama na malapit sa computer,
nilinis ko ang isang kama na pinakamalayo sa computer. Dun ako humiga na ang
ulonan ay may nakaharang ang view para di ko masilayan ang computer at kung
sino ang nakaupo. Maalimpungatan man ako, madali akong makakabalik sa
pagkakatulog kapag hindi ako babangon.
Pag-iwas sa tukso ang teknik na ito. Para bumuti ang buhay natin, dapat talaga, i-analyze natin ng mabuti ang sitwasyon at gawin ang pinakamagandang solusyon.
“Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures.” – Bob Ong
Written by maxterspade12ph at 05:33 AM. Filed under Personal Development.
Salamat Hon.
Hindi na ako promking na walang sariling suit. salamat sa isang set na Tuxedo.
Maligayang Pasko sa iyo Hon
Written by maxterspade12ph at 12:46 AM. Filed under twentyone, Personal Development.
